14

3.6K 91 3
                                    

Astrid's POV

Nandito ako sa coffee shop, pero hindi ko isinama si Felize dahil nandoon sya kila Ate Donna, gusto daw kasi nya makalaro mga aso nila kaya isinama sya ni Ate Donna doon sa kanila.

Pinadalhan ko rin sya ng necessities nya in case na madumihan sya.

Nag-out narin ako dito at pauwi na sana nang makareceive ako ng tawag galing kay Sir Erick

"S-Sir–"

(Astrid? Hi, I know it's sunday today and family day. But, can you go to Ryker's condo?)

"Po? Bakit po?"

(The last time na nakausap sya nila Mommy, masama daw pakiramdam. Hindi rin sya umuwi sa bahay. Eh nasa US ako for a business trip, sila Mommy nasa Hawaii for their vacation. Can you please check? Nag-aalala kasi kami eh)

"S-Sige po. Papunta na ko"

Pinatay ko agad ang tawag at pumara ng taxi papunta sa condo ni Ryker.

Hindi na ako nagtanong sa reception at dumiretso nalang sa elevator since alam ko naman yung unit nya, may spare card din ako na binigay nya noon kasi minsan pinapadala nya sa akin sa condo nya yung mga files na kailangan nya pirmahan lalo kapag nasa ibang bansa sya.

Pagkapasok ko sa unit nya, ang dilim dilim. Hanggang sa....

Napasunod ako ng tingin sa mga LED candles na sunod sunod na umilaw at....

"R-Ryker?" Tanong ko

"Hey, baby" he said sweetly

Teka!

Tama ba tong nangyayari?

Mukhang mali ata ako ng pasok eh! May isusurprise ata sya

Pa-epal talaga tong si Erick eh!

Eksena tuloy ako dito, baka girlfriend nya yung isusurprise nya tapos bigla akong um-entrance

Na-estatwa lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko

"S-Sorry, wrong timing ata ako. Lalabas na ko" sabi ko at papunta na sa pintuan nang magsalita sya

"You got worried?"

Na-miss ko yung boses nya tuwing nakikipag-usap sa akin, yung malumanay na boses nya

Sa ilang linggo kasi na nag-iiwasan kami. Back to being Lucifer sya miski sa akin. Sinusungitan ulit nya ako at super cold ng pananalita nya pati pagtrato nya sa akin

Kaya baka nagkakamali sya ng sinusurprise, na-wow mali lang sya dahil ako yung dumating.

"H-Ha?"

"I told Erick to call you and tell you that I'm sick. The fact that you came here meaning you got worried na may sakit ako"

Hindi ako makaimik

Totoo naman eh!

Sobra sobra akong nag-alala kasi akala ko totoong may sakit sya!

"P-Pinapuntahan ka nya sa akin"

"Yeah, I know. Pero kung talagang wala kang pake sa akin, you shouldn't be here. It's not weekdays at wala ka sa office to follow order from him. But, you're here"

May point naman sya dun

"A-Ah, s-sorry, wrong timing ata eh. Sa labas lang ako tapos sasabihan kita kapag nakarating na yung isusurprise mo. Ano ba itsura nya?"

"This surprise is for you."

Sabi nya at lumakad papunta sa akin

Juskopo! Bakit naman ganito?

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now