2

4.8K 85 4
                                    

Astrid's POV

"Mommy!"

"Felize, nagpapahinga po sila Lolo at Lola sa kwarto, bakit ang lakas ng boses mo, anak?"

Lumapit ako sa sampung taong gulang kong anak na si Felize, nandito kasi sya sa sala at gumagawa ng assignments nya habang kumakain ng cookies na binake ni Tita Evelyn

"Eh kasi nag-call si Tito sa phone mo tapos ako kinausap nya kasi you were washing the dishes po"

"Ano sabi ni Tito?"

"Uuwi na daw po sya, hindi na sya mag-eextend sa US. Tapos we will live with Tito na daw po, Mommy."

Yung sinabi ni Kuya noon na 2 years, hindi nasunod yun, dahil pinag-extend sya ng company nya. He also extended kasi sabi nya nasa maayos naman daw kaming mag-ina at gusto nya makaipon para sa pag-aaral ko ulit at ni Felize. Sabi ko naman kahit si Felize nalang, at magtatrabaho din ako ulit. Pinatigil nila ako sa pagtatrabaho at sila ang nagsustento sa amin mag-ina. Pati mga gamit ni Felize noong baby pa sya hanggang ngayon sila Tita Evelyn, Tito Jack, Ate Donna, at Kuya ang bumibili. Alagaan ko lang daw ng mabuti si Felize pambayad na daw yun sa kanila.

Namatay narin ang magulang namin ni Kuya noong kinder si Felize, nanghingi ako ng tawad ang kaso dinala nila hanggang sa kabilang buhay yung galit nila sa akin, pero lagi ko silang dinadalaw at pinapagdasal, pinakilala ko rin sila bilang lolo at lola kay Felize.

Magmula 5 years old si Felize nagsimula narin syang magtanong about sa Daddy nya. Hindi ko sya masagot noon dahil ayokong saktan sya, pero nang mag 10 years old sya, nagpromise ako sa kanya na sasabihin ko na yung totoo sa kanya, umiyak sya pero sandali lang at buti naintindihan nya yung nangyari sa akin.

Sabi nga nila Tita, mahahalata mong anak ko si Felize dahil kamukhang kamukha ko at manang mana sa akin buti daw ako ang naging kamukha at ka-ugali.

"Baka naman kung ano ano na naman ang pinapabili mong pasalubong kay Tito?"

"Hindi po, Mommy. Kasi sabi mo need ni Tito mag-ipon kasi para sa studies ko" sabi nya habang kumakain ng cookies.

"Very good naman ng baby girl. Tapos ka na ba sa assignments mo?"

"Opo, Mommy. Papacheck ko po sayo, kasi kapag sinabi mong tama, eh di perfect yung assignments ko"

She grew up na malaki ang tiwala sa akin, kahit sinabi ko sa kanya na hindi ako nakatapos ng pag-aaral parang wala lang sa kanya at sa akin parin pinapacheck yung mga assignments nya. Kasi kung matalino daw sya, meaning daw matalino rin ako kasi ako ang Mommy nya.

Napakaswerte ko na sya ang anak ko dahil super thoughtful nya. At never nyang kinahiya na ako yung Mommy nya, kaya lalong gusto kong bumalik sa pagtatrabaho, para mas lalo syang maging proud sa akin na ako ang nagtataguyod sa kanya.

Si Kuya naman nagtayo sila ni Ate Donna ng business dahil mahilig sila pareho sa kape kaya nagtayo sila ng coffee shop tapos tumutulong si Tita Evelyn sa pagbake ng mga pastries, si Ate Donna ang namamahala sa coffee shop na yun, minsan isinasama niya si Felize kapag walang pasok si Felize, tumutulong din ako kapag weekends.

"Wow! Ang galing naman ng baby ni Mommy! Tama lahat ng answer mo. Dahil dyan, gusto mo pumunta ng coffee shop?"

"Opo, Mommy! Please..."

"Ligpit mo na yang gamit mo. Ilagay mo ng maayos sa bag mo ah, magbibihis lang po si Mommy"

"Ok, Mommy." Sabi nya at nagsimulang ligpitin yung mga gamit nya at ako naman pumunta sa kwarto namin at nagbihis.

Wala naman syang pasok bukas eh, pinapagawa ko lang sa kanya assignments nya kaagad para ma-enjoy nya yung weekends nya.

Nagbihis lang ako ng simpleng pantalon at shirt at sneaker na white para kumportable na gumalaw galaw at makatulong sa coffee shop.

"Oh naririnig namin ang excited na baby"

"Opo, niyaya ko po kasi na pumunta sa coffee shop"

"Kaya pala, excited na excited tulungan si Mommy magcashier"

"Yes po, kasi ang galing galing ni Mommy magpindot dun sa cashier, Lola"

"Wow! Sige na, ingat kayo."

Umalis na kami ni Felize at pumunta sa coffee shop. Agad nyang binati yung mga empleyadong nandito at magiliw din nila syang binati.

"Nakakarinig ako ng masayang pretty baby"

"Tita!"

Tumakbo sya at yumakap kay Ate Donna nang lumabas ito sa office nya

"Tutulong ka ulit kay Mommy mag-cashier?"

"Opo, tapos ko na po kasi assignments ko eh"

"Very good naman ng baby girl namin. Sige na, wag pasaway kay Mommy ah"

"Opo" she said at nagproceed na kami sa cashier

Habang nasa cashier, chinichika lang ako ni Ate Donna tungkol sa isang customer daw na gusto na nya sabunutan kanina dahil sinigawan ng walang dahilan yung nagcashier kanina.

"Ate, gusto ko bumalik sa pagtatrabaho"

"Wowork ka Mommy?"

"Opo"

"Dito sa shop, nagwowork ka naman dito ah"

"Hindi. I mean, oo tumutulong ako dito, pero kanina kasi nagbabasa ako ng dyaryo ni Tito Jack. Nakita kong may hiring sa Lopez Corporation, gusto kong i-try mag-apply ng secretary, alam mo na kilalang kumpanya yun, baka sakaling malaki ang sweldo"

"Ikaw bahala, ok naman sa akin kahit ano, kahit nga hindi ka magwork that's fine. Pero sabihin mo muna kay Kuya Leo. Baka mamaya maghysterical na naman yun"

"Yeah, I plan to tell him naman."

"May updated resumé ka ba? If meron, pwede ka matulungan ni Charles"

Charles is her husband, wala silang anak dahil baog si Kuya Charles because of an accident years ago, hindi pa sila magkakilala, kaya naging fur parents nalang sila, nag-alaga sila ng 3 aso na tinuring nilang anak nila. Sobrang bait din nun ni Kuya Charles, niregaluhan nga nya ng aso si Felize noon kaso doon narin namin pina-alaga sa kanila kasi nag-aalala ako baka mamatay, hindi pa ready si Felize noon mag-alaga ng aso nung nasa 5 to 6 sya.

"Kahit ipasa nalang nya sa HR, te. Ayoko naman makapasok dahil may backer ako"

"Sige, basta send mo sa kanya"

"Sige po, meron naman ako updated kasi inupdate ko yun kagabi eh"

"Tawagan mo muna si Kuya Leo mamaya bago mo isend, baka mamaya hindi ka payagan ni Kuya eh"

"Opo" sabi ko at pinunch yung binili nung customer na dumating.

"Hi! Welcome to Happy Hour Cafè!" Magiliw na bati ni Felize sa customer habang nakaupo sya sa high stool

"You have such cute assistant. Anak mo?"

"Yes po, hyper lang po talaga sya"

"She's beautiful like you. Hi, little girl, ang ganda ganda mo naman"

"Opo, kasi maganda po ang Mommy ko"

"That's true, though."

Sinabi na nya ang order ng medyo may edad na ginang at pinunch ko yun lahat.

"What's your name?"

"My name is Felize Ryliah Villasis po, ikaw po?"

"Anak.." I warned

"No, that's fine, nakaka-enjoy sya kausap. I am Annaliza Catherine Lopez. It's nice meeting you, Felize"

"It's nice meeting you rin po, Ma'am Annaliza"

"Hope to see you next time."

"Ok po, basta po ipapromise mo po na babalik balik po kayo dito"

"Of course, I will surely come back just to chat with you and see your beautiful face. I'll go now, see you next time"

"See you po, ingat po"

"Thank you, and you too"

Nang matapos ang ilang oras na shift ko sa coffee shop, umuwi narin kami ni Felize.

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now