13

3.5K 92 6
                                    

Astrid's POV

It's the weekends, meaning birthday ni Felize. 11 years old na ang anak ko, parang kahapon lang iniire ko lang sya, tapos ngayon, 11 years na ang nakakalipas.

Ibinigay ko narin sa kanya kanina ang regalo ni Ma'am Liza sa kanya.

In-excuse nya ako nung bago sila umalis sa opisina ni Ryker at lihim na ibinigay sa akin yung regalo nya para kay Felize, nabanggit daw kasi ni Felize sa kanya na birthday nya today kaya binilhan nya ng regalo

Mamaya ko nalang siguro ibibigay ang regalo ko sa kanya kapag bago kami matulog

Nahihiya ako sa mga regalo nila sa anak ko. Ako yung nanay pero parang ako pa yung nagtipid ng regalo para sa anak ko. Nakatago lang yun sa drawer ng bedside cabinet namin sa kwarto

Si Kuya binilhan sya ng dollhouse, si Ate Donna at Kuya Charles niregaluhan sya ng gusto nyang bag pampasok. Si Tita at Tito naman ang gumastos ng mga hinanda at ginamit na materials para sa birthday celebration nya. Tapos si Rox niregaluhan sya ng jumpsuit, Calvin Klein pa ang tatak. Si Yza naman niregaluhan sya ng rubber shoes galing adidas. Tapos si Ma'am Liza, niregaluhan sya ng napakagandang relo at branded din.

Di ba? Ang bobongga ng regalo nila sa anak ko, samantalang ako simpleng kwintas na tig 500 lang sa mall, since 500 lang rin naman yung bili ko sa kwintas ko.

Ayoko naman manghiram para lang bilhan ang anak ko ng magarang regalo, ayoko rin naman bawasan ang savings nya na inopen ko para sa kanya. Pera nya yun eh, ayokong bawasan yun.

Lalo tuloy akong nanliliit sa sarili ko. Deserving ba talaga akong maging nanay nya?

Sapat ba talaga ang nabibigay ko sa anak ko?

Birthday ng anak ko, at dapat lahat masaya, pero andito ako sa banyo ng kwarto namin naglalock at tahimik na umiiyak dahil ayokong mag-alala sila sa akin.

Nagiging mabuting ina pa ba talaga ako sa kanya?

Ka-proud proud ba talaga ako?

Ni hindi ko mabigay yung mga gusto ng anak ko

Yung mga gusto nyang gamit, ibang tao pa yung nagbibigay sa kanya imbis na ako dapat na nanay nya.

Akala ko sapat na yung naibibigay ko sa kanya pero sinasampal ako ng katotohanan na hindi sapat yun, at kulang na kulang pa yung binibigay ko sa kanya.

Eh saan naman ako kukuha ng pera para maging sapat sa kanya?

Bakit kasi ako pa naging nanay nya?

Kung sana lang napunta sya sa mayaman na nanay, di ba? Eh di sana lahat ng gusto nya naibibigay ng mayaman nyang nanay

Hindi sana sya nagtiya-tiyaga sa mga binibigay ko na kulang na kulang pa.

"Mommy?"

Napatayo ako nang marinig ang boses ng anak ko

"Yes po?"

"Nasaan ka po? Kanina pa po kita hinahanap"

"M-May kailangan ka po kay Mommy?"

"Wala ka po kasi sa garden, Mommy. Namimiss na kita, tsaka gusto ko nandoon ka rin, hindi happy si Felize kapag wala si Mommy"

"Sige, anak. Hihilamos lang po si Mommy, kasi kumati yung face ni Mommy eh. Bababa din po ako. Una ka na doon"

"Ok po" sabi nya at narinig kong sumara ang pinto ng kwarto namin

Naghilamos ako hanggang sa mawala yung pamumula ng mata ko galing sa iyak at nagpunas.

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now