7

3.5K 81 11
                                    

Astrid's POV

"Astrid! Kumain ka na? Sabay ka na samin ni Roxanne" pagtawag ni Yza sa akin

Secretary sya ni Sir Erick.

"Dito nalang ako kakain sa table ko, baka kasi kailanganin ako ni sir. Tsaka may tinatapos pa ko na kailangan sa meeting mamaya" sabi ko

Pinapabaunan naman rin kasi ako ni Tita Evelyn, eh silang dalawa kasi sa labas kumakain, mga dalaga kasi sila, eh ako syempre kailangan kong magtipid kasi may anak ako na tinutustusan, hindi ako pwedeng gastos ng gastos.

Habang kumakain ako at ka-video call ko si Felize na kumakain din, ginagawa ko yung report para sa meeting ni Sir Ryker mamaya.

(Mommy, ano ginagawa mo?)

"Nagwowork, anak, habang kumakain po"

(Nakaka-istorbo po si Felize?)

"Hindi po, patapos narin si Mommy. Anong food mo po?"

(Nagluto po si Lola ng ham, yun po baon ko. Nag-thank you din po ako kay Lola)

"Very good po"

Nang matapos ko ang report, agad kong prinint yun at kinompile sa isang folder.

(Mommy, malaki yung work mo po?)

"Opo malaki. Gusto ka man isama ni Mommy, kaso bawal po kasi ang bata dito eh"

(I understand po. Mommy, done na kumain si Felize)

"Go back to your room na, wag maglaro, ha? Sasakit tyan mo. Tapos inom ka ng maraming water"

(Opo. Babye, Mommy. See you later, take care. I love you)

"I love you too, anak"

Kung nagtataka kayo bakit bata pa eh may phone na si Felize. Binilhan sya ni Ate Donna ng phone para daw magkausap kami kahit nasa school sya, kasi si Felize hindi nakukumpleto araw nya kapag hindi ako nakikita. Tsaka in case of emergency din daw. Kaya hinayaan ko nalang.

Nilagay ko ang baunan ko pabalik sa bag ko at nilinis ang workstation ko tsaka ako kumatok sa pinto ng office ni Sir Ryker.

"Sir, ito na po yung report na kailangan niyo mamaya sa meeting with the board" sabi ko at inilapag sa table nya yung folder

Binuklat nya yun at tinignan isa isa at nilagay sa gilid nya

"Astrid, reserve a VIP room in my usual restaurant, at 6pm. You'll go with me"

"May meeting po kayo ng 6pm? Wala po sa schedule yun"

"Sundin mo nalang, pwede?" He said and looked at me with annoyed expression

"Y-Yes po, sorry po" sabi ko at agad lumabas ng office nya baka bulyawan pa ako eh

Paglabas ko, agad akong tumawag doon sa restaurant na yun at nagpareserve ng VIP room for Sir Ryker.

After ng lunch break, dito dumiretso si Yza sa station ko.

"Wala ka talagang napapansin, girl?"

"Napapansin na ano?" Kunot noo kong tanong

"Hay nako! Ang ganda sana ang manhid manhid lang"

"Ano ba yun? Anong meron?"

"Wala, bahala ka sa buhay mo. Anyways, may lakad ka ba? Friday naman eh, baka naman pwede ka ng sumama samin ni Roxanne?"

"Pinapag OT ako ni Sir Ryker until 7pm. Tsaka may dinner meeting ata sya ng 6pm kasi nagpareserve sya dun sa restaurant na nakalist dito na usual resto of Sir Ryker"

The CEO's Single Mom [COMPLETED]Where stories live. Discover now