CHAPTER 2

50 6 5
                                    

CHAPTER 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 2

LEI

"Noong tiningnan ho namin nang maigi ang sasakyan, mukhang intensyunal na pinutol ang wires na naka-konekta sa brakes."

'Yan ang sabi ng mga pulis kanina bago umalis.

Pero ang hindi ko pa rin maintindihan, sino ang gagawa nito kay Shine? I'm her best friend and yet I couldn't think of anyone who would ever hurt her—

"Mahal, pasensya ka na pero kailangan ko munang umalis... Alam mo na, kailangan ko pang asikasuhin ang mga kapatid kong naiwan sa bahay." Napalingon ako sa gawi ni Axel na hawak ang kamay ni Shine. Inangat niya ito sa kanyang labi upang halikan. "Sorry, mahal. Babalik din ako para bisitahin ka bukas."

Sinamaan ko ito ng tingin. I guess if there would be a suspect, Axel fits the bill. I clenched my fists as I remembered my last conversation with Shine.

"Umiiyak ka ba?" tanong ko nang marinig ko ang garalgal na boses ni Shine sa kabilang linya.

"...oo. Sorry," sagot niya.

I sighed. "Tell me what happened."

"Axel and I..." Dinig ko ang panginginig sa boses niya. "Nag-away na naman kami... I don't think I can take this anymore, Lei. Ang sakit-sakit na."

"Then break up with him," diretsa kong saad. "Hindi naman sa gusto ko kayong sirain o anuman, pero hindi ko na gusto 'yung nangyayari sa 'yo dahil sa kanya, Shine. Lagi ka na lang umiiyak, ultimo maliliit na bagay, sabi mo sa 'kin noon, pinag-aawayan ninyo."

Huminga ako nang malalim.

"Shine, matagal mo na akong kaibigan. Did I ever do that to you? Kahit kailan ba sinigawan kita?" Hindi siya sumasagot pero alam kong umiiling siya ngayon. "Sina tito at tita nga hindi ka pinagtataasan ng boses tapos hahayaan mo lang na ganyanin ka niya?"

Shine remained silent, waiting for the next thing I'm going to say.

"I know you're the type who's dating to marry... You're dating him, preparing yourself to be his wife in the future... That's how you've always been with your relationships... pero sigurado ka ba? Do you want to spend your life with a person like that? Do you want to spend your life fighting with him instead of being at peace in his arms? Pag-isipan mo, Shine. Kaibigan mo lang ako, sasabihin ko lang kung ano ang opinyon ko sa inyo, pero sa huli, desisyon mo 'yan."

I heard Shine take a deep breath. If she chooses this guy, I don't know what I'll do. Sobrang maiinis siguro ako hanggang sa punto na hindi ko muna siya kakausapin nang ilang panahon hanggang sa kumalma na ako.

"Tama ka, Lei." She sniffled. "I might love him, but that isn't enough. Ayokong... ayokong mabuhay na parang patay lang din. Ayokong gawing ulam ang pag-aaway namin... na araw-araw naming kakainin. This isn't right. It's toxic."

Crossing Love Lines (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon