CHAPTER 8

36 5 16
                                    

CHAPTER 8

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 8

AXEL

Iba't ibang klase ng art ang naka-display sa museum kung nasaan kami ngayon, pero imbis na sa mga ito ako nakatingin, kay Shine ako nakatutok. Seeing her different expressions regarding the arts she's seeing, for me, is far better than any of the displays here. Kung pwede lang, gusto kong lagi kaming ganito—siya na nakangiti at ako na tinititigan lang siya. Gaya ng isang obra maestra, araw-araw akong mamamangha sa pagkakalikha sa kanya.

"Axel..." Mula sa pagkakaupo ni Shine sa kanyang wheelchair ay lumingon siya para tumingin sa 'kin. "I'm wondering about something and I want to ask you."

Sakto at wala ang epal na si Lei para manira ng moment. Nagpaalam siya kanina para samahan ang mga kaibigan niyang nakasalubong namin dito kaya sa wakas ay na-solo ko si Shine.

'Wag ka na rin sanang bumalik.

"Axel?"

Nabalik ako sa ulirat nang sambitin ni Shine ang pangalan ko. Focus, Axel.

"Ah, ano 'yung itatanong mo?"

Ngumiti siya. "Sabi mo, you're my boyfriend, right?"

Tumango ako, sikretong napapangiti sa isip ko dahil handa na siyang pag-usapan ang bagay na matagal ko nang inaasam. Sa mga panahon na bumisita ako sa kanya, kadalasan kung hindi kumustahan ang nangyayari, tahimik lang kaming dalawa. Napansin ko rin na mas lalo siyang lumalayo at tumatahimik kapag sinasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung paano kami dati, kaya tinigilan ko muna. Naalala ko tuloy ang sabi niya sa 'kin noong panahon na umamin ako sa kanya...

"Uh, sorry. I don't see you in that way," saad niya matapos kong maglakas ng loob na umamin isang araw. Matagal ko na siyang pinagmamasdan sa malayo at nakakausap nang konti kapag hinahatid ko sa kanya ang order niya. Nang tumagal, hindi na kaya ng puso ko na itago pa ang nararamdaman ko sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siya, gusto ko na lang umamin at iparamdam ang pagmamahal ko.

Tumungo siya at hinawakan ang baso ng kape na lumamig na dahil sa haba ng litanya ko kanina. Ang katahimikan na namayani sa 'min ay pinuno ng ingay ng customers sa mga katabing mesa. Lumunok ako bago inipon ang natitirang katapangan sa katawan ko, pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan niya na ako.

"But... we could start as friends. We could talk to each other and get to know each other first." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"May pag-asa ba ako sa 'yo?" diretsa kong tanong.

She looked so easy on the eyes that even if the smile she gave me was an uneasy one, it didn't bother me.

"Hindi ako sigurado sa hinaharap, pero ang sigurado ko lang," aniya. "Hindi ako mahirap mapamahal sa taong genuine ang pagmamahal sa 'kin."

Crossing Love Lines (2022)Where stories live. Discover now