CHAPTER 23

28 3 3
                                    

CHAPTER 23

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 23

SHINE

These days feel like something is missing. Is it because Lei hasn't been coming frequently? Hindi ko naman magawang mag-demand sa kanya ng oras dahil alam kong busy siya bilang isang med student. Besides, he already spent his whole summer vacation with me...

Pero tama ba 'yun? Kahit chats niya naging madalang. Mangangamusta lang at parang iniiwasan pang humaba ang usapan namin. Is he mad at me or something? Pero mukhang hindi naman gano'n.

I shook my head. I should just focus on cleaning the place and not overthink anything.

Umupo ako sa lapag at isa-isang binuksan ang mga nakakalat na kahon sa loob ng storage room ng bookshop. It still feels weird to be here because they said it's mine and that I'd personally made the shop look a certain way, but I don't remember anything. Kung tutuusin, madali lang naman maglinis, pero ang nagpapatagal sa 'kin ay ang hindi ko pagkaalam kung ano ang nasa loob ng mga kahon na 'to. I made a mental note to myself to properly label my stuff.

Binuksan ko ang isa sa mga kahon at gaya ng mga unang kahong nabuksan ko na noong nakaraang mga araw, mga libro pa rin ang laman ng mga ito. I stared at them with awe as I flipped open the pages and skimmed through the annotated pages of one of the books. I may have lost my memory, but I guess my heart remembers my love for these things.

Binalik ko ang mga ito sa lalagyan at tinabi ang kahon. Kukunin ko na rin sana ang nasa tabi nitong kahon nang mapansin ko ang isang maliit na kahon na halos kasing size ng box ng cellphone. Ang mga salitang nakasulat sa box gamit ang marker ang nakapukaw ng pansin ko.

I immediately took the small box and opened it.

Mga papel na may sulat-kamay ko ang nasa loob nito. Accompanied with those was a faded picture of me and Lei. Kinuha ko ito at tiningnang maigi.

In the picture, I see what I'm guessing is my 14-year-old self with a young Lei. Nakaupo ako sa isang batsa habang si Lei naman ay hawak-hawak ang buhok kong namumuti dahil sa shampoo. Nakanguso ako sa picture habang si Lei naman ay mukhang nanenermon habang naka-focus sa ginagawa. It made me wonder what stunt we were trying to pull back then because beside the tub of water I was sitting in was what seemed to be like a swimming pool.

I chuckled. That's so cute... I wish I could remember the memory behind this photo.

Napabuntonghininga ako. I can't help but be frustrated a lot of times for not remembering anything. May nahihinuha man ako sa ibang mga gamit na nakikita ko rito sa store at sa bahay, hindi pa rin sapat ang mga 'yun para bumalik lahat ng mga alaala ko.

Bagsak ang mga balikat ko nang ibalik ang litrato sa kahon, pero bago ko pa man maisara ito ay napaigtad ako nang makaramdam ng kirot ang ulo ko. Napahawak ako rito at napapikit dahil sa sakit. I heard several voices muttering things I couldn't understand before one of them slowly became clear and comprehensible to me.

Crossing Love Lines (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon