CHAPTER 13

38 5 7
                                    

CHAPTER 13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 13

LEI

Today is the first day of Shine's physical therapy. Ilang araw na rin ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Axel. I guess he really learned his lesson this time and honestly, that's good for him.

Nahihiya si Shine na mapanood ko siya habang ginagawa ang therapy sessions niya kaya naman nandito lang ako sa labas at miminsan ay sumisilip-silip. Tito and tita entrusted her to me kaya hindi ko magawang pagbigyan ang kagustuhan ni Shine na hindi siya panoorin. I guess it's okay as long as hindi niya ako nakikita na pinapanood siya.

At the same time, it's hard to just watch her without being able to do anything. May mga pagkakataon na nadadapa siya dahil napapabitaw siya sa railings at kita ko ang sakit sa mukha niya, at gusto kong pumasok sa loob at alalayan siya kaso hindi pwede. I can't interfere even though I already know a bit about things like this because of my being a medical student.

Bumuntonghininga ako. When this short vacation has ended, I wonder how I'd be able to stay by her side while pursuing my studies. Kailangan ko nang ayusin ang schedule ko.

Natigil ako sa pag-iisip nang makita kong natumba na naman si Shine. Tears and sweat were all over her face and she started screaming at the nurse. Binuksan ko ang pinto at agad na pumasok sa loob.

"Ayoko na! This is useless! I'll never be able to walk again!" sigaw ni Shine. Tumingin ako sa nurse at naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin. Pinaubaya niya muna sa 'kin si Shine at lumabas ng silid.

"Uy, Shine," tawag ko ng pansin niya. She didn't look at me, but I know she heard me. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

I handed her a towel and a water bottle. Hindi pa rin niya ako tinitingnan nang kunin niya ang mga ito at gamitin.

I scanned the room and saw that it was only the two of us here. Malaki ang mga bintana kaya kitang-kita ang magandang view sa labas na puno ng matataas na buildings at ng asul na kalangitan. Bumalik ang tingin ko kay Shine na ngayon ay kinakalma ang sarili.

"Magalit ka pa," udyok ko. "Hindi naman kita ija-judge."

Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinawanan ko siya.

"Napakaseryoso naman ng kaibigan kong 'to," biro ko.

Shine sighed. "Nakakainis naman kasi, e. Bakit hindi ako makapaglakad agad?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "E, bakit ka ba kasi nagmamadali? Noong baby ka ba, minadali kang maglakad nina tita? Hindi naman, 'di ba? So, why pressure yourself now?"

Tumahimik si Shine at nanatiling nakasimangot. She was looking at the view in front of us.

"It's your first day in therapy, no one's expecting you to be able to walk right away."

Crossing Love Lines (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon