CHAPTER 17

22 3 6
                                    

CHAPTER 17

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 17

LEI

7 a.m. na at kasalukuyan kong sinusundan pauwi si Fallon. Fortunately, Joey Gallego was still sound asleep when I found him in the janitor's room. Nakalusot ako nang walang nakakahuli sa 'kin at nakakaalam ng mga ginawa ko. At ang akala kong masasayang na araw ng pagsunod ko sa kanila ay nagbunga nang pinaliko ni Fallon ang tricycle na sinasakyan niya na sinusundan namin ngayon, taliwas sa direksyon ng bahay niya papauwi.

"Manong, pasundan po 'yung tricycle na 'yun," pakiusap ko sa driver ng taxi na sinasakyan ko. Tumango naman si manong at sinunod ang sinabi ko.

The roads were bumpy on where we were heading, but there were still a lot of people and cars around so the place we're going mustn't be that suspicious. Tumigil ang tricycle na sinusundan namin at bumaba si Fallon. I thanked the driver after paying him and immediately went out of the vehicle. Sinundan ko si Fallon na pumasok sa palengke.

Maraming tao kaya kahit saglit lang ay hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. In the end, we arrived at a small gadget repair stall. Binati ni Fallon ang isa sa mga tao do'n bago pumasok sa loob. Buti na lang ay hindi gano'n kalaki ang stall at walang mga pader na nakaharang kaya kahit ilang tindahan ang layo ko ay tanaw ko pa rin sila. I pretended to pick tomatoes from the stall I was at while stealing glances at Fallon's direction.

The guy I saw at the hospital came out from the door inside the stall, which I'm guessing is the door of their storage room, and handed out the cellphone Fallon gave him the other day. Hindi ko naririnig ang usapan nila dahil malayo ako, pero nakita kong ngumiti si Fallon at nagbigay ng sobre sa lalaki. They shook hands and then Fallon left.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa nakita ko... but I still trust Shine's words and her high opinion of Fallon before and after what happened to her. That's why I'm going to determine what this transaction really means once and for all.

Lumabas ako ng palengke at agad na pumara ng taxi sa main road.

"Saan po kayo, sir?" tanong nito.

Umupo ako nang maayos at sinara ang pinto. "Sandoval Homes po."

***

"Good morning, anak! Kain na muna kayo, kanina ka pa hinihintay ng bisita mo," bati ng nanay ni Fallon nang makarating ito sa bahay nila. Nagmano si Fallon dito at kita ang pagtataka sa mukha niya. Halatang wala siyang inaasahang bisita ngayong araw.

Fallon looked surprised when she turned her head to me, but she easily composed herself. She nodded at her mom and let her bag down on the couch. "Nakaalis na sina tatay?" tanong nito.

Her mom answered from the kitchen. "Oo, 'nak, kasama niya mga kapatid mo sa pagbebenta ng lumpia sa palengke."

Pinanood ko lang si Fallon na naghahanap ng pwedeng gawin para maiwasan ang mga tingin ko. I think she already knows that I know something. Mas maigi 'yun para hindi na ako mahirapan sa pagsasalita.

Crossing Love Lines (2022)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon