CHAPTER 20

25 3 0
                                    

CHAPTER 20

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 20

LEI

Makulay ang paligid—literal. For Shine's on-the-spot itinerary, sasabak naman kami ngayon sa isang 5k color run. Paalis na sana kami ng mall para maghanap ng iba pang gagawin nang makita ni Shine ang nangyayaring color run. Natuwa siya sa mga kulay at sa dami ng tao kaya naisipan niyang sumali rin kami.

Nakaka-isang ikot pa lang kami ni Shine nang umayaw na siya dahil sa pagod at init. Hindi lang kami naligo sa pawis kung 'di pati na rin sa colored powder na pinagbabato namin sa isa't isa bago magsimula ang takbuhan. Mabuti na lang at plain white T-shirt pareho ang suot namin at iniwan ko muna sa sasakyan ang brown sweatshirt na pinasuot ko sa kanya kanina.

"Teka, ang init. Hindi ko na kaya." Hingal na hingal si Shine nang umupo sa damuhan na nasa gilid ng race course. Luminga-linga ako at naghanap ng karton o kahit ano na pwedeng ipamaypay sa kanya. I couldn't afford to have her faint on me now. Madalas pa naman mangyari 'yun noon sa kanya dahil sa pagod at init.

Nang makakita ako ay agad akong lumapit sa kanya para paypayan siya. Umiling-iling ako habang nagpipigil ng tawa.

"Ano? Ano 'yan? Anong nakakatawa, ha?"

Tutal alam naman na niyang natatawa ako, hindi ko na pinigilan ang sarili ko at humalakhak sa harap niya. "Eh, kasi wala pa tayong kalahati ng 5k, suko ka na. Pasabi-sabi ka pa kanina na kayang-kaya mo... Ano ka ngayon? Pfft."

Sinamaan ako ng tingin ni Shine, pero nang hampasin niya ako sa braso ay tumawa na rin siya. Kahit pinagtitinginan na kami ng mga taong nilalampasan kami, wala kaming pakialam at patuloy lang sa pagtawa na parang mga bata. Natigil lang ang tawanan namin nang mapansin ni Shine ang braso ko.

"Hala, Lei, ano 'to? Bakit namumula?" nag-aalalang tanong niya habang inuusisa ang braso kong namumula at nagsisimula nang mamantal.

I bitterly smiled as I stared at the mark forming on my arm. "Ah, hindi mo na nga pala naaalala. Ganyan nangyayari sa 'kin kapag hinahampas ako."

Shine has a confused expression on her face. "Allergy?"

"Oo. Allergic ako sa 'yo, e," biro ko na naging dahilan para mahampas uli ako sa braso ni Shine.

"Ay, hala! Hindi ko sinasadya—ikaw kasi, e!" I couldn't help but laugh when she passed the blame to me. Ako na nga 'yung hinampas, ako pa 'yung nasisi.

"Lei naman, e! Paano 'yan? May gamot bang nilalagay dyan?"

Umiling ako at inalis ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. "Don't worry about it. Namumula lang talaga 'yan at namamantal. It's nothing serious."

"Sure?" paniniguro ni Shine.

I bit my lip to stop myself from laughing again. Sasakit na tiyan ko nito kakatawa rito kay Shine. Tumango-tango ako bilang sagot.

Crossing Love Lines (2022)Where stories live. Discover now