Heart Break & Good Byes

8.9K 340 168
                                    


Olivia



Hindi ko malaman kung anong pumasok sa isip ko at nag punta ako rito, hindi ko rin alam kung ano bang dapat kong gawin. Ikina gulat ko ng biglang may mag salita pero walang tao


"Anong kailangan mo Miss?"


Hinanap ko kung saan ito nang gagaling hanggang sa makita ko ang pulang ilaw sa may side ng gate at naaninagan ko ang maliit na speaker


"Um hinahanap ko po si Miss Aurora Dela Fuente"


Pilit kong tinutuwid ang salita ko para hindi mahalatang lasing ako


"Nako maam hindi po kami pwedeng magpa pasok ng kahit sino hanggat walang permiso sa mga boss namin"


"Sir baka pwedeng paki sabi na hinahanap sya ni Olivia"


"Hindi talaga pwede maam pasensya na"


Wala, heto nanaman ako lumuluha. Naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang hina ng loob ko pag dating sakanya. Parang mas lamang yung mahal ko sya kesa sa mahal nya ko, ni hindi nya man lang ako binigyan ng pagka kataon naa mag explain.


"K-Kuya sige na p-please, p-promise mabilis lang p-po." hagulgol ko


Naawa ako sa sarili ko lalo na't sobrang naguguluhan ako dahil hanggang ngayon wala akong maalala sa mga nangyari bago ako magising ng araw na yon.


"Teka maam wag kang umiyak. Saglit subukan kong ipaalam" tarantang ani nya


Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili dahil ayokong makita nya akong ganito. Nag antay ako ng ilang minuto bago ako may maaninag na aninong nag lalakad papalapit saakin. Alam kong sya to dahil sakanya lang naman nag kakaganito ang puso ko pag nandyan sya.


Ilang hakbang pa ay tuluyan kong nakita ang napaka gandang mukha nito


"What are you doing here? We're in the middle of dinner." malamig na ani nito


Walang bakas ng kung anumang emosyon sa mukha nya, para bang sobrang laking abala ko sakanya.


"Hayaan mo lang na mag explain ako, kahit dito nalang ako sa labas. Just listen to me, please"


My tears started falling yet again, buti nalang hindi ako nauubusan ng luha kasi ilang araw ng puro iyak lang ginagawa ko. Wala din akong matinong kain, dahil wala akong gana palagi.


"Make it quick" bored na sagot nito


"Salamat. Wala akong ginawang mali na natatandaan ko. Sinamahan ko ang pinsan mo sa isang meeting kasama ang isang realtor, alam kong nag dinner kami pero yun lang ang natatandaan ko. At kung kalasingan man ang puno't dulo nito, hindi ko matandaan na uminom ako"

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon