Seek

9.7K 367 94
                                    


Olivia



Nang makarating ako sa pamilyar na lupain, naka tingin sa gawi ng sasakyan ko ang mga taong nasa lote, at ng makita ko ang inang saka na ako nag madaling bumaba.


Para akong nasa fashion show dahil sa matiim nilang pag oobserba saakin at malamang ay kinikilala nila kung sino ako.


"Aba't si Olivia pala ito! Nako napaka gandang bata mo talaga" excited na bati ni mang Ampir na matagal ng katiwala ni inang dito sa bukirin.


Nag mano ako sakanila at naka tanggap ng mga pa puri na nakaka taba ng puso. Na miss ko yung ganitong buhay, kahit pa na medyo kapos mas marangya ang buhay dito lalo na't may kalayuan sa siyudad .


Andito rin ang mga kapatid ni nanay na nag aruga rin saakin nung ako'y bata pa kaya close din ako sakanila.


"Via?"


Tanging si inang lamang ang tumatawag saakin non dahil napaka haba raw ng pangalan ko


Naramdaman ko na maiiyak nanaman ako dahil nakita kong tumatanda na sya at para bang ayokong tanggapin iyon.


"Inang"


Umakap ako sa matanda ng mahigpit at tuluyang kumawala ang luha sa aking mga mata. Samut saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Masaya dahil naka bisita akong muli sakanila, lungkot dahil naiisip kong darating ang panahon at iiwan din nya kami. Pero higit sa lahat, naka hinga ako ng maluwag dahil sa comfort na dulot ng bawat haplos nito sa likuran ko


"Tahan na"


"Inang na miss ko po kayo" hagulgol ko lumapit ito at pinunasan ang mga luha ko


"Itong batang ito, halika sa loob. Kumain ka na ba?"


Mga paboritong tanong ng mga lola yan, yung kumain ka na ba. Kaya kahit na busog pa ako, kumain nalang din ako. Nag handa si inang ng paborito kong sinigang na baboy at sabay sabay kaming kumain pati narin ang mga nag sasaka ni inang.


"Oli?" napa lingo ako sa tumawag ng pangalan ko


"Pesteng yawa! Ikaw nga! Napaka ganda mo na lalo!" bulalas nya at inikot ikot pa ako


"Ano ba yan Jeremiah! Nahihilo na ako, sasapakin na kita" babala ko sakanya


Si Jeremiah ang isa sa mga kababata ko bukod kay Xerces, pero medyo madalang ko lang itong nakaka laro lalo't mas matanda sya sakin at maagang nag trabaho sa murang edad


Gwapo to si Jeremiah, pinoy na pinoy ang itsura nito. Kayumanggi at matipuno dahil sa mabigat na trabaho.


"Ano may boypren ka na ba?" ma pang asar na tanong nito


Angel in DisguiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora