Sharp Tongued Devil

31.3K 583 316
                                    


Olivia



Having to fight for your daily meal is something I grew accustomed to. Me and my parents was involved in a car crash when I was 6 years old that made me an orphan, and nobody from either side of my parents' family stepped up to take me under their wings. That is why I do not know anyone in my extended family until today.


I am fortunate enough that a kind hearted widowed woman took me home with her and took great care of me up to this day.


Now 23, just like any other fresh graduates, I am in need of a job. As much as possible sana is yung under ng tinapos kong course and hopefully ma hire ako agad with good salary offer dahil kailangan ko ng income para ma patigil ko na si nanay sa pag titinda.


Isang kahig isang tuka eka nga nila, yan ang naging buhay ko simula ng maulila ako. Pero ni minsan hindi ako nag reklamo sa kung anong meron ako, ngunit hindi ko maitanggi na minsan o madalas kong itanong sa panginoon kung ano nga ba ang buhay ko kung sakaling hindi binawian ng buhay ang mga magulang ko sa isang masaklap na trahedya.


Gayunpaman, malaki ang pasasalamat ko sa aking tumayong ina dahil siya ay nag pursigi na ako'y paaralin sa kabila ng kahirapan ng buhay. Marami ang nag sasabi na ako ay napaka talinong bata, nag pakita ng talento sa pag kanta at pag sasayaw at sa iba pang mga bagay.


Nag trabaho ako ng part time sa isang fast food chain na malapit sa unibersidad na aking pina pasukan dati. Pero dahil ako ay graduate na kinakailangan ko ng humanap ng trabaho na naaayon saaking kursong tinapos na Business Administration. Maraming kumpanya ang nais kumuha saakin dahil na rin nakapag tapos ako bilang Summa Cum Laude ng kolehiyo at marami din akong inaning mga academic awards.


Pero may isang kumpanya na matagal ko ng pinapangarap na maka pasok, ang Dela Fuente Holding LLC. Ang pinaka matagumpay na pangalan sa larangan ng business, ito ay dumaan na sa pamamalakad ng ilang henerasyon ng pamilya Dela Feunte.


"Olivia Kinsley! Anak bangon na at baka ma late ka sa interbyu mo" dinig kong saad ng nanay


"Opo nay" sagot ko pabalik atsaka na tumayo saaking higaan


Mayroon akong naka takdang interbyu sa Dela Fuente LLC mamayang alas nuebe ng umaga. Meron pa akong dalawang oras para mag handa at bumyahe.


Pag tapos kong naligo, nag bihis na ako at nag suot ng fitted na long sleeves na blouse at mini skirt. Maganda ang hubog ng aking katawan, madalas nila akong sabihan na hugis hourglass ang aking katawan, isama na rin na ako'y balingkinitan. Kaya naman napaka dami ng gustong manligaw saakin bukod sa maamo kong mukha.


Nag paalam na ako kay inay dahil ilang minuto rin ang byahe saaking pupuntahan. Ang nakaka sakit ng ulo na trapik ang araw araw na kalbaryo dito sa Maynila buti nalang at maaga akong umalis ng bahay at maaga ring nakarating sa opisina kung saan ako nag apply.


Tinitigan ko ang napaka tayog na gusali saaking harapan, at humugot ng lakas ng loob bago pumasok.


"Ahm, excuse me po sir. May interview po ako mamayang alas nuebe kay Miss Dela Fuente"


Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now