chapter 40 (BEGINNING)

6.9K 185 34
                                    

"G-gusto ko s-sumama…" Nanginginig ang boses na sabi ko sa kaniya pero umiling lang ito pahiwatig na hindi ito pumapayag

"No, wife. Stay here" pagtanggi nito kaya pinagkunutan ko ito ng noo

"PERO SI DADDY AT IRISH 'YON GRAY!" Biglang pagtataas ng boses na agil ko sa kaniya kaya narinig ko ang mabigat na pagpapakawala nito ng hininga

Nilapitan ako nito at saka astang hahawakan sa mukha pero lumayo ako at sinamaan ito ng tingin

"You're not allowed to join us." Mahinahon na aniya sa 'kin bago nito sinulyapan ang direksyon sa bintana kung nasaan sila fhyrro at tyler na nakasandal sa kani-kanilang sasakyan dahil hinihintay nila si gray

Kasama rin nila ang ibang tauhan ni gray Incase na may biglang mangyari. Pero mas nagulat ako nang makita ko si Engineer Ruiz na nakasama namin sa Isla nila gray nung nakaraan

Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa hindi malamang dahilan. Masama ang kutob ko dito kaya nag aalala ako at gusto kong malaman ang mangyayari

"GRAY, ISAMA MO AKO PLEASE…" Halos maiyak kong nagmamakaawa sa kaniya pero muli lang itong umiling dahilan kaya 'onti-onti akong napayuko

Si daddy at Irish 'yun eh…

"I c-can't wife… I am sorry…" sagot nito

Kaya wala sa sarili akong napailing at sinundan ito ng tingin habang kumukuha ito nang mga bala at baril sa kabinet niya. May nakita pa akong isang bagay na nilabas niya pero hindi ko mas'yadong maanigan dahil sa mga nagbabadyang pagtulo ng luha ko

Nang matapos siya sa ginagawa niya ay lumapit ito sa 'kin at naramdaman ko ang paghaplos niya sa mukha ko. Kasabay no'n ay ang dahan-dahan niyang pag angat sa mukha ko upang magkatitigan kami

He gave me a soft smile "You need to protect our child, okay?" Habilin nito na ikinakunot nang noo ko

Child?

"W-what do you…" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang pagbaba ng kamay niya mula sa braso ko hanggang sa huminto ito sa tiyan ko

"G-gray…." Hindi makapaniwalang bulong ko sa pangalan niya

This is so impossible… p-pa'no niya nalalaman ang mga ganitong bagay? Kaya ba palagi na lang sumasakit ang ulo ko at palagi akong nahihilo?

"Please… protect our child, Keith… kahit ngayon lang sundin mo ako, p-please…" halos garalgal ang boses na pagsusumamo nito sa 'kin at kasabay no'n ay ang nakita kong pagtulo ng luha niya sa mata niya

Our child?... We have a baby? Oh god, please tell me this is just a dream

"N-no I am not-"

"Yes you are." Pag putol nito sa sasabihin ko kaya napatitig ako sa kaniya kahit nararamdaman ko ang pang hihina ko "Lagi kitang nakikita na masakit ang ulo at nagiging matakaw at malaman ka na, you always hot headed and most of all you always urinate"

Halos matulala ako dahil sa sinabi nito. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na buntis ako… bigla akong napaisip kung pa'no niya ako nagawang kilatisin ng gano'n

Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko sa tiyan ko na patuloy niya pa ring hinahaplos. Wala sa sarili akong napahawak sa kamay niya habang dinadama ang pag haplos niya doon

May Isa na naman akong kahinaan…

Bakit ngayon ka pa nabuo kung kailan samut-saring problema ang nangyayari sa amin?

Bakit ngayon pa?...

"Gray… I'm scared.." bulong na ani ko bago ako muling mag angat ng tingin sa kaniya

The Detective Ceo [COMPLETED]Where stories live. Discover now