chapter 11 (The password)

8.4K 202 18
                                    

Gumising ako kinaumagahan na hindi maalis sa isip ko ang lahat ng nangyari, feeling ko dadalhin ko na lahat ng iyon hanggang sa pagtulog ko

Well, dinala ko nga talaga.

Biglang tumunog ang cellphone ko sa tabi 'ko kaya napatingin ako doon bago ko ito kunin at tignan kung sino ang tumatawag

Irish...

Napakurap ako bago ko ito kunot noong sagutin, at itapat sa tainga ko

Nanibago lang ako dahil sa tagal na ng araw ay ngayon lang ulit siya tumawag sa'kin

"Yes?" Bungad ko sakaniya

Tumayo ako at sinimulang ayusin ang kama ko

Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng ulo at balikat ko para hindi ito mahulog habang kausap ko ito

"Gising na si daddy, at ikaw ang unang hinahanap niya..." I was shocked when I heard it

Hindi pa naman ako tulog di'ba?

"Are you serious?" Di makapaniwala na tanong ko

Hinawakan ko ang cellphone ko at umupo muna sa kama. pansin ko ang saglit na pananahimik sa kabilang linya, kaya napa buntong hininga ako at tumingin sa malaking bintana na nasa harap ko, 'kung saan ay kitang kita ko mula dito ang mga ibon na nag liliparan at ang punong nagsasayawan dahil sa hangin

"Irish...is there something wrong?" Mahinahon na tanong ko

Narinig ko ang mabigat na buntong hininga niya mula sa kabilang linya bago ito nag salita

"Yes, I'm serious. Gising na si dad, pero sabi ng doctor ay hindi pa 'rin siya ganoon kabilis makakarecover. And Keith..." naramdaman ko na may gusto pa ito idugtong maliban sa sinabi niya about sa condition ni dad

"Tell me Irish, alam kong may gusto ka pang sabihin" sabi ko dito

I wanna go there so bad, pero hindi ko magawa dahil alam kong may paghihinala pa rin sa'kin si mom at patuloy pa'rin ang pang be-brain wash sakaniya ng mga Santiago

'bat ba kasi sila nangingialam!?

"Nandito ngayon si auntie Imelda..." pahina nang pahina na aniya

Lalo ata akong natigilan nang marinig ko iyon mula sa kanya. Auntie Imelda...she is tito Alfonso's wife...ang pagkakaalam ko ay na sa ibang bansa siya ngayon at nagpapahinga doon dahil sa nangyari kay tito

Balak niya ring manirahan na sa Canada, kaya nakakagulat na malamang nandito siya sa pilipinas

"Si auntie Imelda...gusto ka din niyang makita, dahil you know...ikaw ang paborito niyang pamangkin ni tito Alfonso" napakat ako ng labi dahil sa narinig ko

Yeah...totoo 'yun, close kami ni tita Imelda at ako ang pinaka paborito niya sami'ng magkapatid

"I'll try, if I have a free time" sabi ko, atsaka ako tumingin sa orasan para tingnan kung anong oras na ng umaga ngayon

"Ay, bakit ginagawa niyo na ba ang pamangkin ko kaya ka walang time na pumunta dito?" Pilosopong sabi nito kaya nanlalaki ang matang napatingin ako sa kung saan

Wala yun sa plano jusko!

"H-hoy! Baka nakakalimutan mo na sa papel lang kami mag asawa, tsaka, never ako mag kaka anak doon noh!" Tila defensive sa ani ko

Narinig ko itong tumawa sa kabilang linya kaya parang kinain ako ng hiya sa katawan at nag sisimula ng uminit ang nag kabilang pisngi ko

Mapapatay kita kahit kapatid kita!

The Detective Ceo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon