chapter 8 (auction 3)

7K 179 10
                                    

Naramdaman ko ang pag hapit ni gray sa baywang ko kaya napakurap ako at pilit inaaninag ang mukha niya

"Gray…" mahinang aniko sa pangalan niya at bahagyang napahawak sa coat niya

"Keith…" tila namamaos na aniya sa pangalan ko kaya napalunok ako

Ano bang nangyayari?

Halos mapasinghap ako ng bigla akong dampian ng magaan na halik ni gray sa labi…I felt it, hindi ako nag kakamali na labi niya ang dumampi doon kahit na wala akong maaninag ng maayos dahil sa dilim

"Take care and…." Kinuha niya ang kamay ko "use this, this is silencer gun" bulong nito, then he handed me a gun, kaya kahit naguguluhan ay tumango ako

Hinila ako nito sa kung saan kaya sinundan ko lang ito at nag patianod sa marahang hatak niya sakin

When I noticed that I was about to control my vision, I noticed that gray was releasing my hand

"Stick to the plan Keith" paalala nito kaya muli akong tumango bago ngumiti dito

Pansin ko ang papalayo na bulto nito kaya napabuntong hininga ako at may pinindot sa tainga ko

"Hey guys! Do you hear me?" Tanong ko mula sa kabilang linya

"Yes." Sagot ni flaire. Alam kong sya yun dahil sa boses niya

"Flaire and Claire, check the all cctv" rinig kong ani ni fhyrro

Nag simula na din ako mag lakad habang nakikinig sa kanila. Hinigpitan ko ang hawak ko sa baril na hawak ko habang tinititigan maigi kung may tao na nasa paligid ko

"Sa nakikita namin, ang mga santiago ay nandoon parin sa auction meeting, and…" hindi natuloy ni Claire ang sasabihin nito at tila may napansin na kung ano

"And what?" Tanong ko at biglang nag tago sa likod ng wall, ng makita ko ang isang tauhan ng Santiago na tila may hinahanap

"...Karamihan sa mga kasama niyo na mayayaman kanina ay nakabulagta na sa sahig" napahinto ako dahil sa sinabi nito

Naalala ko bigla ang mga nakita naming drugs at wine na hinaluan ng drugs at sleeping pills

Malaki ang chance na ngayon lang tumalab ang hinalo sa mga inumin at pag kain nila

I think sinadya nila ito

"Check the CCTV near Keith" biglang sabi ni gray sa kabilang linya kaya bahagyang kumunot ang noo ko at tumingin sa dinaanan ng tauhan ng Santiago kanina

Napangisi ako ng makita ko itong nakatalikod sa gawi ko habang lumilinga sa paligid niya

Tumingin muna ako sa paligid para I check kung merong ibang tao, may nakita ako pero nasa malayo sila at sure ako na hindi nila ako napapansin mula dito

Ibinalik ko ang tingin ko dun sa lalaki

Agad kong itinaas ang hawak kong baril, at walang pag dadalawang isip na ipinutok yun sa direksyon ng ulo niya. Agad akong napangisi ng sumakto ang pag tira ko doon

Sayang wala si gray. Siguro bilib na naman yun kung nakita niya yun

"There's have a 5 men's malapit sa private room at dalawa naman sa green hallway" mabilis na sagot ni flaire

Napatango ako dahil sa sagot nito

"Okay…ako nang bahala sa dalawang gunggong sa green hallway. And Keith, start walking papunta sa leaders office" malamig pero seryosong utos sakin ni gray kaya saglit akong napapikit at pilit pinakalma ang sarili ko

The Detective Ceo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon