chapter 38

6K 164 33
                                    

Nagising ako dahil sa isang tunog na nagpagising sa 'kin kaya agad akong naalimpungatan ang dahan-dahang dinilat ang mata ko

Nagkusot ako ng mata upang umayos ang paningin ko saka ko inilibot ang tingin ko sa paligid

Pero gano'n na lang ako natigilan ng mapansin ko ang bukas na bintana sa k'warto, kaya dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakatakip sa 'kin at pumunta sa bintana na 'yun

Pansin ko na madilim na sa labas hudyat na gabi na. Mukhang napasarap ang tulog ko kaya hindi ko namalayan na dumidilim na pala. Saka gumising gising naman ako kanina pero lagi lang akong inaantok kaya tinutulog ko na lang, and also si manang naman na nag aabot sa 'kin ng pagkain ko. Siguro napapansin niya na wala ako sa mood lumabas kaya siya na mismo ang nag i-insist na magbigay sa 'kin

Pansin ko rin na wala pa si gray. Siguro marami siyang ginagawa ngayon sa trabaho niya

Kamusta na kaya siya? Lagi na lang akong sabik na makita siya eh.

Nang makatapat ako sa bintana ay malamig na hangin ang bumungad sa akin kaya wala sa sarili kong niyakap ang sarili ko at kunot noong tumitig sa bintana

Why did I feel weird?

Parang may nakatingin sa akin pero hindi ko makita… parang nakatitig ito sa bawat kilos ko. Actually matagal ko na 'tong nararamdaman pero ayokong magsalita dahil hindi pa ako sigurado dahil pinanghahawakan ko ang salita ni gray na 'wag agad kumilos ng walang sapat na pruweba

Napabuntong hininga ako. Siguro guni-guni ko lang 'yun, sobrang bigat kasi ng pakiramdam ko lately

Sinarado ko ang bintana at tumalikod pero gano'n na lang ang gulat ko ng biglang may dumakma sa leeg ko at isinandal ako sa binta na nasa likod ko na

Nanlalaki ang matang tumitig ako sa babaeng nasa harap ko. Nakatakip ulit ito ng mukha at sure ako na siya 'yung babaeng sumugod sa akin sa resort ni gray

Shit! What is she doing here?!

"Akala mo nakatakas ka na?" Tanong nito bago ko nakita ang pagsilay ng nakakakilabot na ngisi niya kaya agad akong napahawak sa kamay niyang nakasakal sa leeg ko at sinamaan ito ng tingin

"W-who t-the h-heck are y-you?!..." Nahihirapang tanong ko dahil sa pagkakasakal nito sa akin

Halos hindi na nga ako makahinga, shit!

I watched her tilted her head and dangerously looking at me, and swear, it's giving me a goosebump

"Nung unang pagdalaw ko sa'yo ay pag bibigay mensahe ko lang sa'yo dahil gusto kitang paalalahanan na konti na lang ang nabibilang na araw ng mahal mo sa buhay…"

Agad nangilid ang luha sa mata ko dahil sa narinig ko sa kaniya. Why am I scared of her threatening me?

"Isipin mo ang mawawala sa iyo…" mahinang aniya sa 'kin kaya mariin ko siyang tinitigan. Sa isip ko ay halos patayin ko na siya dahil sa mga binibitawan niyang salita

"No…"

She smirked "your sister…" paninimula nito saka niya itinaas ang isa niyang kamay para haplosin ang mukha ko kaya pilit akong umiiwas doon pero hindi ko magawa "your mother…father…and last…" inilapit niya ang mukha niya sa 'kin "your be loved husband, Detective. Lewis gray Alonso…" she whispered

Agad napakuyom ang kamay ko… ayokong may mangyayari sa kanila lalong lalo na kay gray, siya na lang ang natitira sa 'kin dahil tinalikuran na ako ng iba

"Oh… stop crying, little girl…" kunyaring pagpatahan niya sa akin bago ito tumawa ng nakakaloka

Naramdaman ko ang pag higpit ng pagkakasakal niya sa akin kaya napangiwi ako at napapikit saglit dahil halos hindi na ako makahinga

The Detective Ceo [COMPLETED]Where stories live. Discover now