chapter 7 (auction 2)

7.3K 180 1
                                    

"San tayo?" Tanong ko sa tahimik na si gray. Saglit itong sumulyap sa'kin bago muli hilain ang kamay ko pataas

"Checking"

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya dahil may pinasukan kaming kwarto at doon ko nakita ang mga tauhan na walang malay

"A-anong nangyari dito?..." Di makapaniwalang aniko habang inililibot ang tingin ko sa paligid

Hindi sumagot si gray kaya inilipat ko ang tingin ko sa kanya

At doon ko nakita ang seryoso niyang awra habang nilalapitan isa-isa ang mga tao na nandito sa loob

Kinakapa niya ang mga bulsa ng mga ito at tila may hinahanap doon

"Fuck this!" Rinig kong bulong nito ng macheck niya lahat ng nandoon at tila hindi mahanap ang gustong makita

"What's wrong?" Takang tanong ko kaya dahan dahan itong napaangat ng tingin sa'kin

"Wala sa kanila ang susi para mabuksan natin ang pinag lalagyan ng gold necklace" nakita ko ang pag buntong hininga nito bago ito tumayo at lumapit sa isang lamesa

His eyes narrowed as he stared at the table kung nasaan ang mga baso at pagkain

Dahan-dahan din akong lumapit doon at tinitigan ang mga sinusuri niya

Pinanood ko siyang kunin ang wine glass then he brought the wine glass to his nose to smell it

Kunot noo ko lang siya na pinanood, dahil maging ako ay walang alam sa ginagawa niya

Nang ilayo niya ang wine sa kaniya ay muli niyang tinitigan ito at itaas para makita ang ilalim ng wine glass. Pero onti-onting tumaas ang dalawang kilay nito at tila may natuklasan na isang bagay

Muli nitong inilibot ang tingin ng walang salita. Ayoko ding kumilos dahil ayokong gambalahin siya sa ginagawa niya, at alam ko naman na may nabubuo siyang ideya sa nangyari dito

May kinuha na kung ano si gray sa lamesa kaya lumapit ako para titigan yun

Pero agad akong napakurap ng makita ko kung ano iyon

"D-diba sleeping pills yan?" I asked while looking at the pills

Dahan-dahan namang tumango si gray "yeah, unlike to the other. Drugs ang ginamit nila" pag tukoy niya sa alak na iinumin sana namin kanina

"Pero bakit…parang ang bilis naman umipekto ng sleeping pills sa kanila?" Takang tanong ko

Napatingin sa akin si gray at dahan dahang inilapit ang katawan niya sakin kaya napapalunok na pasimple akong lumayo

Pero halos makagat ko ang labi ko nang maramdaman ko na wala na akong mapag uurungan

Yawa…

"Didn't you know that when you are punched hard, you can lose consciousness…" he huskily whispered kaya napalunok ako at napapakurap na tumingin sakaniya

"O-oo naman…" tila kabadong sagot ko

Naramdaman ko ang mabango niyang hininga dahil sa sobrang lapit namin

Nahiya hininga ko

"So there is a good chance that they beat the people here to lose consciousness…" then he deeply looked at me in my eyes, kaya tila nanghihina ang tuhod ko na tumitig pabalik sa kaniya "And do you know why they even give sleeping pills to the people here, kung pwede naman nilang patumbahin ang mga ito gamit ang pagsuntok lang?" Hindi ako naka sagot. Wala akong idea kung ano man ang nasa isip niya ngayon, dahil sa ginagawa niya sa'kin

The Detective Ceo [COMPLETED]Where stories live. Discover now