chapter 30

6.4K 139 13
                                    

Nagising ako dahil sa isang katok kaya dahan-dahan akong nagmulat mula sa pagkakahiga sa kama ko atsaka ako tumingin sa pinto

Bumukas iyon at bumungad sa 'kin si Irish "Hey…" bati sa'kin ni Irish kaya napakurap ako at sinusuri kung totoo ba ang nakikita ko

Ilang araw din siyang hindi nagparamdam at hindi ko namalayan na ngayon siya mag papakita

"May kasama ako" sabi niya atsaka niya niluwagan ang pinto kaya nakita ko kung sinong sumilip doon

Agad akong napangiti at 'di makapaniwalang tumitig sa kanilang dalawa

"Omg… chesca?!!" I was so incredibly excited that my voice sounded loud.

Agad tumakbo papunta sa gawi ko si chesca at niyakap ako ng mahigpit na agad ko namang tinugunan

I really miss her. Ang tagal na rin simula nung huli naming pagkikita. And I far as a know, ang huling pagkikita namin ay nung nag overnight ako sa kanila at kung kailan nagsimula ang kaso ni tito

"Omg… ang ganda mo na lalo, ang galing mag alaga ng asawa mo!" Puna niya ng harapin niya ako kaya napatikhim ako ng wala sa sarili at awkward itong tinitigan

Iba talaga tabas ng dila nito kapag kasama ako

May narinig kaming palakpak sa kung saan kaya napatingin ako doon. At nakita ko si Irish na pumapalakpak para makuha ang atensyon namin

"There's no more time for fun. Baka nakakalimutan niyong mag aasikaso tayo dahil pupunta tayo sa birthday party ng maarte na alora?" Taas ang isang kilay na ani sa'min ni Irish

Kasama si chesca?

Nasagot lang ang tanong ko ng biglang magsalita si Irish at sinabi na sinama niya si chesca. Alam kong close rin silang dalawa dahil palagi kong kasama si chesca sa bahay noon at hindi nila mapigilang mag communicate sa isa't isa

Hindi ko rin napansin na gabi na pala at mukhang napasarap ang tulog ko. Masarap lang talaga matulog ngayon dahil malamig ang panahon

Habang nag aayos kami ay napatingin ako kay Irish. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakausap tungkol sa kalagayan niya nung nalaman niya na may posibilidad na si randy ang may kagagawan kaya nahulog si dad sa hagdan

And dad is still not totally healed

"Irish." Tawag ko sa pangalan niya nung makita ko itong nag aayos upang iligpit ang mga ginamit niyang makeup

"Oh, I forgot to say to you na nauna na sila gray dahil… you know, mag katrabaho ang santiago's at ang Alonso's company" Sabi nito habang nakaiwas ng tingin sa 'kin

May ayaw pag usapan 'to

"Kamusta kayo ni-"

"We broke up." Pagputol niya sa sinabi ko kaya natitigilang napatitig ako sa kaniya "and I don't want to talk about it."

They broke up?

Nag angat ito ng tingin sa 'kin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. Pero 'yung ngiti na 'yon ay parang malungkot at never mo makikita sa kaniya

"O-okay…"

***

Pagbaba namin ng sasakyan ay may mga bumungad sa amin na mga lalaking naka black para alalayan kami

Hindi naman gano'n ka porma ang suot ko nag suot lang ako ng black off shoulder dress na hindi lalagpas sa tuhod na tinernohan ko ng itim na takong.

Napatingin ako sa paligid. Pansin ko na halos lahat ng tao ay pormado ang mga suot, may mga iba pang naka long gown

The Detective Ceo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon