chapter 31

6.1K 144 25
                                    

Isang malutong at malakas na sampal ang naramdaman ko mula kay mom. Agad akong napa yuko habang mabibigat ang hininga na pinapakawalan

Naramdaman ko ang pag alalay sa'kin ni gray dahil sa ginawa ni mom

"Ano na naman bang pinaggagawa mo at pati si alora ay dinamay mo, Keith!?" Halos bumalot sa buong silid ang sigaw sa 'kin ni mom na naging dahilan din kaya natahimik ang paligid

Kasama namin sila Mr. Santiago na nasa tabi ni mom at si Irish na pilit itong pinapakalma pero hindi naman magawa ni mom

Nandito kami ngayon sa hospital. Kagabi lang naganap ang nangyari na 'yon at ngayon lang ako nagawang kausapin ni mom… or let's say na sinisigawan at Paulit-ulit sinisisi sa 'kin ang nangyari kay alora

Itinuro niya si alora na nakaupo sa hospital bed. Hindi naman gano'n kalakas ang nangyari sa kaniya but, it's enough para mawalan siya ng malay at magkaro'n ng maraming sugat dahil tumama rin siya sa dingding

"Mom, I am really fine…" biglang singit ni alora. Kaya agad siyang binalingan ng tingin ni mom at nilapitan ito

Pinanood ko kung pa'no niya hawakan ang kamay ni alora at haplusin iyon kaya napakurap ako at agad umiwas ng tingin

Hanggat maaari ay ayokong ilabas ang emosyon ko sa harap ng mga nandito. Ayoko na makita nila akong mahina

"Do you wanna go home?" Bulong sa 'kin ni gray kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya. Napatitig ako sa kaniya saglit bago ibalik ang tingin kina mom

Umiling ako bilang sagot "no." I answered

"Tell me, anak. Anong nangyari? May ginawa bang masama sa'yo si Keith?" Sunod-sunod na tanong ni mom

Nakita kong inilipat saglit sa'kin ni alora ang tingin niya bago niya iyon ibalik kay mom

"K-kung hindi niya lang ako iniwan sa gilid, b-baka naka ligtas pa ako…" tila nanginginig na sabi niya kay mommy kaya napaawang ang labi ko dahil sa hindi kapani-paniwalang dahilan niya

Agad kumuyom ang kamay ko dahil sa matinding pagpipigil kong saktan ang babaeng 'to. She's good at acting huh? Hindi ko alam na may mas magaling pa pala sa 'kin

Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni mom bago ako talasan ng tingin… tila pinapatay na ako nito sa pamamagitan ng tingin pero hindi ko magawang ilipat ang tingin ko sa kaniya dahil nanatili ang tingin ko kay alora na tila maluluha na habang naglalaro ng daliri niya. Para itong aping-api

"I just do that because-" naputol ang sasabihin ko ng bigla akong pigilan ni gray kaya inis na tinapunan ko ito ng tingin pero umiling lang 'to, kaya napatikom ako ng bibig at tumahimik na lang sa gilid

Nakita kong lumapit si Mr. Santiago kina mom and alora. Hinalikan niya sa ulo si alora at dinamayan ito

"It's okay… it's okay…" rinig kong pag aalo niya kay alora nung bigla itong umiyak kaya umiwas ako ng tingin at tumitig sa kung saan

"Mom… p-pa'no kung totoo nga 'yung sinabi m-mo? Pa'no kung p-plinano ni k-keith 'yun? Para mapalabas na wala siyang kasalanan" halos mapasinghap ako ng marinig ko 'yun kay alora. Gusto kong mag wala dahil wala man lang akong kakampi ngayon at wala akong chance para mag paliwanag sa kanila

Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko dahil sa namumuong galit sa loob ko. Napapatanong na lang ako sa sarili ko kung may pagkukulang ba ako bilang isang anak para iwan na lang ako sa ere ni mom at kumampi sa hindi niya kadugo

Napatingin ako sa kanila. Hindi sila nakatingin sa direksyon ko dahil busy sila sa parang family moment nila

Tumingin ako sa cr… agad may namuong plano sa utak ko kaya salubong ang kilay na bumitaw ako kay gray na ipinagtaka niya. Pero hindi ko 'to pinansin at dire-diretso lang papasok sa loob ng cr

The Detective Ceo [COMPLETED]Where stories live. Discover now