chapter 29

6.3K 140 15
                                    

Sa sumunod na araw ay maaga kaming gumising ni gray upang pumunta sa police station, dahil kakausapin namin si Rome tungkol sa nangyari at ang dahilan kung bakit kasali ang mga inosenteng bata

Matagal tagal din ang minutong hinintay namin kaya bored akong tumingin sa cellphone ko. There's so many messages pero wala akong gana para basahin lahat ng 'yun 

Meron ding message si mom na nagpapaalalang pumunta kami ni gray sa birthday party ni Alora tomorrow at night 

I am seated appropriately when suddenly the visiting room's door opens. 

Agad akong napangiti ng makita si Mae na pumasok kasama si De Guzman.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin gising ang mommy ni Mae na si nanay Rosalyn. Sad to know na nalaglag ang baby niya, sobrang iyak si Mae nung nalaman niya 'yun dahil first time niya raw magkaroon ng kapatid but it was quickly gone 

Pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang maayos naman na siya. But, her eyes didn't know how to lie. Nakikita ko sa kaniya ngayon na kung ga'no siya kalungkot 

"Buti at napa pasok ka dito?" Matutuwang tanong ko atsaka ako tumingin kay De Guzman. Nakatitig lang ito sa kung saan bago alalayan si Mae na umupo sa bakanteng upuan na nasa tapat namin

Umupo rin si De Guzman sa tabi ni Mae habang may dala itong mga papeles na agad niyang inilapag sa table na nasa tapat namin

Kinuha iyon ni gray at binasa ang mga laman no'n. Alam kong kaso ni Rome ang nakasulat doon 

"May napatay  siya sa loob ng kulungan kaya nasa selda siya na siya lang mag isa ngayon." Biglang pag anunsyo ni De Guzman kaya gulat akong napatingin sa kaniya 

"W-what? Parang kakakulong lang sa kaniya kahapon ah?" 

Tumango si De Guzman at nagkibit balikat "Maraming ganiyan dito sa selda kaya hindi na nakakapag taka ang ganiyang pangyayari. And the reason daw kaya niya pinatay 'yung dalawang tao na 'yun ay dahil sa anger issue, nairita daw siya sa dalawang lalaki  na 'yun" paliwanag nito kaya napakurap ako at hanggang ngayon ay hindi makapaniwala dahil sa nalaman 

Baliw ba siya? Hanggang ngayon parang nababaliw ako sa kakaisip kung anong nangyari sa kaniya at kung bakit gano'n siyang tao 

Is he crazy? I mean it's anger issue, kaya pwede na ika-cause 'yon ng mental health problem

Naputol ang pag iisip ko ng biglang magsalita si Mae na ikinatigil ko 

"Ilipat niyo siya sa mental hospital." 

Sabay kaming napatingin kay Mae dahil sa sinabi nito. Nag angat ito ng tingin sa 'min at isa isa kaming tinitigan, narinig ko pa itong mabigat na bumuntong hininga at tipid nag bigay ng ngiti sa 'min 

"I'm sorry… sorry kasi ako ang may plano kaya nadamay ang mga bata na kasali sa camping. Gusto ko lang naman na mahuli si Sir Rome dahil nasa plano ko 'yun" mahinhin ang boses na aniya kaya nagpupungay ang mga matang tumitig ako sa kaniya 

I handed her a one bottled water na dala ko, wala pa namang bawas 'yon kaya okay lang na ibigay ko sa kaniya. 

But I can't believe na tinatawag niya lang ngayon na Sir Rome ang tatay niya. Siguro gano'n na talaga ang galit niya sa tatay niya 

Tinanggap niya ang bottle na dala kong may laman na tubig at tinanguan ako bilang pahiwatig ng pagpapasalamat sa binigay kong tubig 

"I tricked him. Sinabi ko na gumawa ako ng mga code na ako mismo ang may gawa at si mom lang ang makakapag-solve. Isa na dun ang mga video ko… mga sulat sa pader na kahit paulit-ulit linisin ni manang ay sinusulatan ko pa rin dahil alam kong may taong makaka-solve ng mga trick codes na iniwan ko and also… hindi niya alam ang mga drinawing ko sa pader. Akala niya trip ko lang 'yun pero…" umiling ito atsaka matunog na ngumisi 

The Detective Ceo [COMPLETED]Where stories live. Discover now