Chapter 40

15.3K 604 53
                                    

"Miss, sorry na. Joke lang naman kasi yon e." Pakiusap ko kay Miss. Hangga ngayon kasi ay hindi niya pa rin ako kinakausap.

"Baby?" Tawag ko.

"Shut up, Mackenzie, and leave. You're so noisy!" Napanguso naman ako sa sagot nito.

Hindi naman kasi 'to mabiro. Masyadong mainit ang ulo.

Malapit na maglunch, wala nga pala akong dalang pagkain.

"Ayoko po. Galit ka pa sa akin e. Sabihin mo munang hindi ka na galit at aalis na po ak-- aray!" Reklamo ko ng batuhin niya ako ng ballpen.

"I said shut up." Lalong akong napasimangot sa sinabi niya.

Napaka! Hindi ba niya naiintindihan yung salitang prank? Ang tali-talino, nagpapaniwala sa prank! Nakakainis.

Ay joke! Kasalanan ko naman pala to, hindi dapat ako mainis sa kanya.

"Baby naman kasi. Sorry na. Ano bang dapat kong gawin? Ano bang gusto mo? Ibibigay ko, gagawin ko, basta huwag ka lang magalit!" Pagsuhol ko. Malay niyo, diba?

"Anything?" Napangiti naman ako ng magtanong ito.

Yes!

Mabilis akong tumango. "Yes, Baby. What do you want?" Malawak kong ngiti na tanong.

"Leave." Kusang bumagsak ang balikat ko pagkarinig sa sagot nito.

"W-what?"

"You said you do anything I said. Now, I want you leave. You're so noisy."

D-Damn.

I don't know what to say anymore.

"O-okay po." Mahinang sagot ko at kinuha ang bag ko na nasa lapag at nakayukong naglakad palabas.

Naiiyak ako. This is the first time na may magpalabas sa akin. Ganito pala yung pakiramdam. Para akong napahiya sa sarili ko. Hehe.

Pumunta ako sa library at pumwesto sa pinakadulo kung saan walang makakapansin sa akin.

Itutulog ko nalang to. I set my alarm in phone 10 minutes before my next class. Hinina ko lang din ito para hindi ako mapagalitan if ever man na tumunog ito.

Hindi pa tumutunog ang phone ko ay nagising na ako. 15 minutes before my next class. Pinatay ko na yung ni-set ko para hindi nalang mag-ingay maya-maya.

Tumayo na ako at umalis. Dumaan muna ako ng CR para maghilamos bago ako pumunta sa room namin. Wala pa si Rei kaya idinukmo ko muna ang ulo ko sa desk ng chair namin.

"San ka galing?" Napaangat ang ulo ko ng marinig ko si Rei, paupo na sa pwesto niya.

"Library" sagot ko.

"Hanap ka kanina ni Miss -- Oh, bat nakasimangot ka ngayon? Parang kanina lang happy na happy ka ha?" Nakangisi pa ito sa akin.

"Tsk." Sagot ko lang at hindi na siya pinansin.

"Kumain ka na ba? Hinahanap ka ni Miss Turner kanina. Kala ko ba pupuntahan mo siya?"

"Pinuntahan ko siya, kaso pinaalis niya ako. Hindi pa ako kumakain. Natulog lang ako." Sagot ko dito.

Pinaalis niya ako tapos hahanapin niya ako? Baliw din ata yon e. Joke!

Narinig ko naman tumawa itong katabi ko. "Bakit? Ano nanaman bang ginawa mo? May kinausap ka nanaman bang ibang babae? May sinabihan ka nanaman bang iba na maganda?" Mabilis akong lumingon sa kanya. Baliw ba siya? Sino naman kakausapin ko?

"Of course not. May saltik lang talaga yon, kaya ganon."

"Hala ka! Isusumbong kita sa kany--"

"Sige, subukan mo, ipapa-experience ko sa'yo yung naexperience ko kanina." Inis kong saad sa kanya na ikinatawa niya.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon