Chapter 24

14.3K 591 145
                                    

"Class dismissed, Mackenzie, stay."

Nagsitayuan na ang mga kaklasi ko habang ako naman ay nanatiling nakaupo sa upuan ko.

"Una na ako, London. May gagawin pa ako e." Paalam ni Rei kaya tumango ako.

Nang wala na ang mga kaklase ko ay saka pa lang ako tumayo at lumapit kay Miss. Paglapit ko ay siyang pag-abot niya sa akin ng letter of consent ko.

"Why it doesn't have a sign?" Malamig na tanong niya sa akin. Napakamot naman ako ng ulo.

"Ha, hindi po ako pinayagan?" Patanong kong sagot at umupo sa upuan na kaharap ng desk niya.

"You're not sure?" She asked too.

"Actually, hindi ko na po pinaalam kina mommy and daddy."

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Why is that? This field trip has incentives, Mackenzie. This will be your last trip being or in high school too." Paliwanag niya.

"Eh, for sure hindi naman po nila ako papayagan e." Mahina kong sagot.

"Why?" Hala si Miss, naka Chismosa mode. Bakit ba? Gusto ba ako nito sumama? Why? Will she miss me? Chariz.

"Hmm. 'Cause it's far from here? And it's 3 days trip Miss, for sure Mommy will freak out if pinilit kong sumama ako." Parang wala lang sa akin yung sinabi ko.

Well, I've been in Baguio naman na kasi, I'm with my family. Actually, nitong bago magpasukan lang kami galing doon.

Ow! I suddenly felt down as I remember that we're with dada pa that time. That was the last na nag outing kaming buo.

"I'll talk to her." Mabilis akong napatingin kay Miss dahil sa sinabi at umiling.

"Huwag na po Miss. Baka isipin pa ni Mommy naghahanap ako ng kakampi." Pagdadahilan ko.

Totoo naman diba?

"Tsk. That's not what I thought, Mackenzie." Mataray na saad niya.

"Huwag na po, Miss. Huwag ka ng magsayang ng oras mo po. Tsaka... Paano mo po siya makakausap? Bakit? Pupunta ka po sa bahay?"

"Yes." Mabilis na sagot niya na nagpalaki ng mata ko. Hala! Nagbibiro lang ako e.

"Miss naman! Huwag na po. At isa pa, gabi na po dumarating sina Mommy, maaabala ka pa po."

Totoo naman kasi. Juice Colored! Ano yon, masyado akong lab ni Miss at gusto niya ako lagi makita?

Huwag ganon! Dapat nagpapamiss din minsan. Hehe.

"You look like stupid, smiling again alone."

Tignan mo to! Napaka talaga. Inirapan ko naman siya.

"Don't give me such attitude, Mackenzie. I'm your teacher." Malamig na sabi niya kaya napaayos ako ng upo

"S-sorry." Bulong ko pero enough for her to hear.

"I'll go to your house later or tomorrow. Just tell your Mom beforehand so she'll expect me." Muli, napalaki nanaman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Miss naman! Ako na! Ako na po magpapaalam. Huwag na po kayong mag-abala pa."

"No. I'll still go to make sure." Mariin niyang sabi.

"Huwag niyo naman po masyadong ipahalata na gusto niyo akong makasam--aww!" Daing ko dahil binato lang naman niya yung hawak niyang ballpen.

"You're talking nonsense again." Mataray niyang sabi.

"Kung makapilit ka po kasing - aww! Sumama ako, daig pa girlfrien-- ouch!" Hindi na ako nakapagpigil at napatayo na dahil sunod sunod na yung pagbato niya sa akin ng mga notebook ng mga kaklase ko. Huhu.

Her SaviorWhere stories live. Discover now