Chapter 9

14.8K 627 235
                                    

"Excuse me, have you seen a little girl of this height, she has black curly hair na hanggang dibdib." Umiling ang mga ito kaya agad na akong nagpasalamat at muling nagtanong sa ibang mga estudyante na nakakalat pa sa hallway.

"Hi, excuse me, have you seen a little girl? she's white--" Mabilis na umiling ang mga ito at nilagpasan ako. Ang iba ay nagtataka dahil naghahanap ako ng isang bata dito sa university na pang-high school.

Damn it. Magkakalahating oras na rin kaming naghahanap at hangga ngayon ay hindi pa rin namin mahanap si Brielle. San ba kasi siya nag punta? Naiiyak na ako. Nag-uumpisa na ring pumasok sa utak ko yung nangyari sa akin noon. Ako lang mag-isa that time and what if something happened to her too? Oh gosh! Iniisip ko palang ay naiiyak na ako.

"Halika na, bata. Hindi naman kita sasaktan e."

"No. I don't know you."

Fuck! Mabilis na pinagsasampal ko ang sarili ko para hindi na maalala ito. Tumakbo ako ng tumakbo at bawat room na nadadaanan ko ay pinapasukan ko to check if nandoon ba siya. Tumutulo na rin ang luha ko. No, it can't be. Oh, jesus, please help baby Brielle. Sana ay ligtas lang siya.

Tuloy tuloy lang ako sa paghahanap ng magring ang phone ko. Mabilis ko itong tinignan hoping it's Miss Harper but to my dismay, it's only Rei. I answered it habang patuloy pa rin ako sa paghahanap. Nasa ikatlong palapag na nga ako e.

"What?" I asked pagsagot ko sa tawag.

"Guess what?" Damn it. May balak ba siyang dagdagan ang iniisip ko ngayon? Tsk.

"Look, Rei. I don't have time for this, okay? I'm busy. Bye!" ibababa ko na sana ang tawag ng malakas itong sumigaw.

"WAIT!"

"what? ano ba yon?" inis kong tanong sa kanya.

"I'm with Brielle."

Pagkarinig ko sa sinabi niya ay para akong natuod sa kinatatayuan ko. Sht, sht, sht. Finally! "Where are you?" mabilis kong tanong sa kanya.

"Park, outside the school." I ended the call and mabilis na tumakbo. While running, I dialed Miss Harper's number. Mabilis din naman niya itong sinagot.

"Where are you? Have you found her yet?" Daling tanong niya pagkasagot ng tawag ko.

"S-she's at the park. O-outside the school. With R-rei." Hinihingal na sagot ko. Kaagad niya akong pinatayan ng tawag pero hinayaan ko na at tumakbo muli pababa.

Nasa hagdan pa lang ako pababa ng unang palapag ng bigla akong napatigil at napahawak sa dibdib ko habang ang kabilang kamay naman ay nasa handle ng hagdan pang suporta.

Damn. Damn. Bakit ko ba nakalimutan? Tang ina. May asthma nga pala ako. Ang tanga! Isinawalang bahala ko ito at patuloy lang ako sa pagtakbo. Mamaya ko na aalahanin ang sarili ko. Ang importante ay ang makita ko si Brielle. Damn it. daig ko pa ang sariling nanay. Tang ina.

Lumabas ako ng school at hindi na inabalang magkotse pa dahil malapit lang naman ang park dito sa school. 3 minutes away lang kung lalakarin. Malapit na ako pero nararamdaman ko na talaga ang pagsikip ng dibdib ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil hindi ko na kakayanin pa ang tumakbo. Saglit pa ang lumipas at nahagip na ng mata ko sina Rei na tinitignan sina Miss Harper na yakap yakap si Brielle. Nakatalikod sa akin si Miss Harper kaya habang yakap niya si Brielle ay nakita ako ng bata.

"Ate pretty!" Tawag nito sa akin sabay kaway pa. Sabay ding napatingin sa akin si Rei at Miss Harper. Gustuhin ko mang sumagot ay hindi na kinayanan pa ng katawan ko at kusa ng lumambot ang tuhod ko dahilan para bumagsak ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang nahihirapan na akong huminga.

Her SaviorWhere stories live. Discover now