Chapter 18

14.5K 599 157
                                    

"Time's up! Stop answering and pass your paper in front."

Haysss! Buti nalang tapos na. Hindi ko inaasahang marami pala ang ipapa-quiz ni Miss Harper buti nalang at sinabihan niya akong mag review dahil kung hindi, baka wala sa kalahati ang maisasagot ko. Actually, lagpas na kami sa oras, pinagbigyan lang ni Miss yung mga kaklasi ko kaya binigyan niya pa kami ng another 20 minutes para matapos.

"Pakipasa! Thank you." Sabi ko kay Rei ng tumayo ito. Kinuha niya ang papel ko at pumunta na sa harap.

"You can now go. Good day, class."

Nagsitayuan na ang mga kaklasi ko at nagsilabasan na din. Ang bibilis!

"Mackenzie?" Tawag sa akin ni Miss kaya napatingin ako sa kanya. Alam ko na yan! Kahit hindi niya sabihin, sigurado magpapatulong siya!

"Help me carry these."

See? Sabi na e. Utos talaga hindi pakiusap. Ano siya sinuswerte? Syempre OO, sino ba naman ako para humindi diba?

Sa ganda niyang yan, hindi yan dapat pinapagbuhat ng maraming gamit.

Lumapit ako sa table niya at kinuha ang mga test papers namin. Nauna na rin siyang maglakad gaya ng lagi niyang ginagawa at sumusunod lang ako sa kanya.

Muli, natitigan ko nanaman ang perpekto niyang pangangatawan. Napaka sexy. Parang wala pang anak. How to be you po?

"Just put them on the table, then you can go " napatingin naman ako sa kanya. Hindi ko ba ichecheck ang mga ito? I mean... Hindi ba niya ako uutusan ngayon?

"Hindi ko po ba i-che-check ang mga ito Miss? Tulungan ko na po kayo." Oh diba? Dati ayaw ko, ngayon naman ako pa nagkukusa. People change talaga.

Umiling ito at nag-ayos na ng mga gamit. Ang aga niya naman atang umuwi ngayon?

"I'll check them on the house later. You should go now. It's cloudy outside, looks like it will rain in any momet." Dahil sa sinabi ay dali dali akong napatingin sa labas at tama nga si Miss. Dumidilim na ang paligid hindi dahil sa pagabi na kundi dahil sa nagbabadyang ulan.

Bakit hindi ko napansin to kanina? Dahil busy ka kakatitig kay Miss.

What the?

"Ha, Miss. Una na po ako. Ba-bye." Nagmadali akong lumabas at hindi na hinintay ang sagot nito dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang kaba na namumuo sa loob ko.

Lakad-takbo ang ginagawa ko dahil palakas na rin ang hangin. Iilan nalang ang mga estudyanteng nakikita ko at tila nagmamadali din ang mga ito.

"Fuck, Shit!" Bulong ko dahil unti unti ng nagpaparinig ang ingay mula sa kalangitan.

Napapatakip na rin ako ng tenga.

Nang sa wakas ay nasa parking lot na ako ay tumakbo na ako papunta sa car ko pero isang metro nalang bago ko maabot ang pinto ay biglang parang may matalim na flash ang nagpapikit sa akin dahil sa tindi ng ilaw at gaya ng inaasahan, malakas na kulog ang sumunod dito.

"Fucking Shit, Damn It. Fuck! Fuck! Fuck!"

Napaupo ako at tinakpan ang dalawang tenga. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagbuhos ng ng luha ko.

"Tahimik lang bata."

"Huwag mo ng subuking sumigaw dahil wala naman makakarinig sayo dito."

"HAHAHAHAHA"

"No, no, no. Please. No!" Bulong ko sa sarili at umiling iling. Pilit na iwinawaksi ang boses ng kung sino sa isip ko.

Her SaviorWhere stories live. Discover now