Chapter 11

15K 599 187
                                    

"May baon ka ba or bibili lang?" Rei asked habang naglalakad kami papuntang Canteen, lunch break namin.

Umiling ako. "I'll buy." Sagot ko.

Usually kasi ay nagbabaon pa rin ako, but kapag nale-late ako ng gising ay hindi na ako nakakapag handa. And kanina, sobrang late ko na kahit sa first subject namin ay na-late ako ng 12 minutes kaya kahit breakfast lang ay hindi ako nakakain kakamadali.

Pumunta na ako sa pwesto namin lagi ni Rei dahil siya na yung nagorder para sa amin. Habang hinihintay siya ay kinuha ko muna ang phone ko para sana magscroll ng makita kong may text si Miss Harper.

From: Miss HARTper 🤍
"My office, Lunch."

Ganda ba ng name niya sa contact ko? Quiet lang. Haha

Napatingin ako kung anong oras niya ako nitext and damn, 24 minutes ago. But wait, niyayaya ba niya akong mag lunch or what? Shit. Agad akong tumayo at lumapit kay Rei. Hindi naman siguro masamang mag-assume right?

"Don't order for me. I have to go." Agad kong sabi sa kanya. Hindi ko na siya hinintay sumagot at umalis na agad ako. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di ko na siya pinansin.

Since napagsabihan na ako ni Miss Harper na iwasan ang pag takbo, chill lang akong naglakad papunta sa office niya. Oo siya, dahil nung nakaraan ay malapit na akong malate kaya tinakbo ko mula parking lot hanggang room, tapos nakita niya ako kaya ayon, dinaig pa si mommy kung magalit. Alam naman daw na may asthma ako, takbo daw pa rin ako ng takbo. Tsk. Worried lang yun sakin e. HAHA.

Assumera!

Pagdating ko sa office niya ay kumatok muna ako. Wala akong narinig na sumagot pero maya maya lang ay bumukas na ang pinto at isang malawak na ngiti at yakap ang sumalubong sa akin. Niyakap ko rin ito at hinalikan sa pisngi. Ganon din ang ginawa nito sa akin at pinugpog pa ng halik ang mukha ko.

"I miss you, ate pretty." Malambing na saad niya.

"I miss you too."

Binuhat ko ito at dinala sa harap ng table ni Ma'am kung saan may maraming pagkain na nakahanda.

"What took you so long?" Mataray na tanong ni Ma'am.

"Kakabasa ko lang po ng text niyo." Sagot ko dito.

"Let's eat." She said at inikutan pa ako ng mata na ikinangisi ko.

Tignan niyo nga, magyayayang kumain pero tatarayan naman ako.

"Baby, come here." Ma'am said to Brielle while tapping her lap.

Umiling lang si Brielle at nagsumiksik pa sa akin dahil nakakandong ito.

Wala ng nagawa si Ma'am at nagumpisa na siyang kumain. Inilipat ko muna si Brielle sa left lap ko para hindi ako mahirapan kumain dahil right handed ako. Nag-umpisa na akong magsandok at kumain. Sinusubuan ko lang din naman si Brielle dahil ayaw niyang kumain mag-isa.

"Why did you invite me po pala Miss?" Tanong ko kay Ma'am habang kumakain. Pansin kong heavy eater siya pero sexy pa rin naman. Sana all.

"Not me. It's Brielle's idea." Sagot niya at tinuro pa ang anak. Tumingin naman ako sa bata at sinalubong niya ako ng ngiti.

"Because that's what you want po e. But you can't go to mall, so I said to mommy na dito nalang sa office niya." Tignan mo nga naman. Napakatalinong bata.

Ginulo ko ang buhok nito at nag thank you.

Pinagpatuloy lang namin ang pagkain at nagenjoy naman ako dahil kwento ng kwento si Brielle, while me and her mommy were just listening.

Her SaviorWhere stories live. Discover now