Chapter 29

14K 638 112
                                    

"Everyone, for our last destination. We are here in Our Lady of Atonement Cathedral, better known as Baguio Cathedral, a Roman Catholic cathedral. Dedicated to the Blessed Virgin Mary under the title of Our Lady of Atonement, its distinctive pink exterior, twin spires, and stained glass windows make it a popular tourist attraction here in Baguio. It served as an evacuation center under the Japanese Occupation during Second World War.  Anyways, for sure hindi naman kayo interesado. So, yeah! This time, we won't do activities anymore. Just go and look around but you must go back here later before 6:30 pm, understood?"

"Yes, Ma'am."

"Okay po."

"Yes po."

Tumango lang ako at lumapit na kay Rei at iniwan yung mag-ina. Mabigat yung pakiramdam ko dahil hindi ko alam kung anong problema nila at bigla nalang silang nagkakaganon.

Umangkla ako sa kamay nito at nakita ko pa ang paggulat sa mukha niya.

"Oh, bakit nandito ka? Baka ako pa ang mapagalitan kay Miss Turner niyan. Doon ka na." Tinatanggal pa nito ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan.

"I don't want there. They're ignoring me." Mahina kong sabi. Narinig ko naman itong tumawa.

Hinila ko siya at nag-umpisa ng maglibot dito sa paligid ng simbahan. It actually nice and beautiful.

"Ano bang ginawa mo at pati si Brielle ay nagtatampo sayo?" Tanong nito sa akin.

"I don't know. If I'm not mistaken, before we went inside the CR earlier dun sa huling pinuntahan natin, okay pa silang mag-ina. But then, paglabas namin, galit na sila."

"Why? Anong ginawa mo? Hindi mo naman siguro pinagsamantalahan si Miss Turn-- Ouch!"

"Damn you, Rei. Of course not!" Inis kong saad dito. Tumawa pa siya.

"I'm just kidding. Ano bang nangyari sa loob?"

"Hmm. Well, pagpasok kasi namin, walang ibang tao doon. Kaming tatlo lang, then habang hinihintay ko sila, may pumasok na dalawang magagandang babae. They complimented me, so I gave back the favor. Then, nagulat nalang ako, tinawag akong mommy ni Brielle. Then paglabas namin, yun na."

"OH MY GOSH! REALLY?" Anak ng! Makasigaw naman to!

Binatukan ko nga.

"Aray! Kanina ka pa!"

"You're so loud."

"Nagulat lang, but seryoso? HAHAHAHAHA. Bata pa lang, marunong ng magbakod. Daig pa mommy niya ha?"

"Huh?" Ano namang pinagsasabi nito.

"Tanga! Huwag ka raw kasing makipaglandian sa iba." Napalayo ako ng kaunti sa sagot nito. King inang bibig. Walang preno.

"Hoyy! Anong makipaglandian? Hindi ako ganon no. Tsaka.. pwedi ba! Yung bibig mo. Tatahiin ko yan. Ta mong nasa simbahan tayo!" Suway ko dito pero tinawanan niya lang ako at inakbayan.

"Ikaw nga, nagmumura, binawal ba kita? tsaka.. Ang ibig lang nilang sabihin sa aksyon na pinapakita nila... Si Miss, malay mo nagseselos kasi sinabihan mo ng magaganda yung ibang babae. Tapos si Brielle, naikwento mo naman before diba? Na sinabi niya if magkakajowa ka, gusto niya sa mommy niya lang." Paliwanag nito. Napaisip naman ako.

Okay! Naiintindihan ko na si Brielle, but si Miss? Mag seselos? Huh! Edi very good!

"Sa loob tayo, tara." Hinila ako nito sa loob at nagpatianod nalang ako.

Woah! Ang ganda! Hindi ko mapigilang mapanganga sa desenyo ng simbahan.

Pumunta kami sa may gitna at umupo doon. Maya-maya lang ay naisipan ko ng lumuhod upang magdasal. Naramdaman ko ring sumunod na rin ang katabi ko.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon