39

9.5K 359 1.4K
                                    

note: good afternoon! alam niyo, habang sinusulat ko 'to, para akong siraulo. kinikilig ako, tas mamaya malulungkot, tas matatawa, tas magagalit. like gorl? maling desisyon yata 'tong rts, nakakaloka HAHAHAHAHA anw, goodluck hehe do not forget to eat dinner later and enjoy, readers!

ps: posted this a lil bit early kasi i have lakad!

Keith's POV

"Keith, paabot naman nung lampin ni Lian,"

Nakatitig lang ako kay Aika habang buhat buhat niya si Lian.

Lord, napakaganda naman po nito.

Nagulat ako when she snapped her fingers sa mukha ko. "Hey, Keith!"

"Ha? Bakit po?" nauutal na sagot ko.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala," sagot niya at tumawa.

Bakit kahit tumatawa ang ganda ganda niya? Lord, gusto ko na lang po magpagulong gulong dito kung puwede lang.

"Ah hehe okay lang," sagot ko. "Ano 'yon? May kailangan ka ba?"

"Pinapaabot ko 'yong lampin ni Lian,"

Agad kong hinanap 'yong lampin ni Lian sa bag na dala namin at iniabot 'yon kay Aika. Pinunasan naman niya 'yong mukha ng bata.

"Beh, baka matunaw naman kakatitig," nagulat ako nang biglang bumulong si Doc Cy sa akin.

"Kung ganito naman kaganda tititigan, bakit hindi?" sagot ko at ngumiti.

Hindi pa rin mag sink in lahat sa akin. Parang noon ay lowkey lang akong nagsisimp kay Aika, sa twitter lang ako nagkakalat at umaasa na manotice niya. Well, until now naman hindi pa rin niya ako ninonotice sa twitter, hmp.

Okay lang, nandito naman siya sa harap ko ngayon.

I giggled dahil sa mga naiisip ko. Agad namang napatingin sa akin si Aika.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya at inilapat ang likod ng kamay niya sa noo ko.

Lord, I am not your strongest soldier po, please. Mahina po ako, nanghihina po ako.

Tumango tango ako at mabuti inalis na niya ang kamay niya dahil anytime ay baka mahimatay na lang ako rito sa kilig.

"Simp era niya, Ate Aiks," Arki said at inakbayan ako.

"Arki.." nagulat ako dahil kanina ay nandoon pa sila ni Jill sa labas. "Kumusta po?"

Arki just nodded at me and gave me a smile. Ibig sabihin ba nito.. tapos na?

"What ever you are thinking right now, tama 'yan," Arki said at ngumiti. "Jill is my bestfriend, and it will stay that way,"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig 'yon mula sa kaniya.

Sa wakas, nagkaroon na sila ng matinong closure. They both deserve na maging masaya, at hindi nila 'yon magagawa sa piling ng isa't isa.

When I looked at Jill, nakatabi na siya kay Ate Aiks at nilalaro si Lian. Nang mapatingin siya sa akin ay agad siyang ngumiti.

"Are you okay?" I mouthed.

She nodded. Nag thumbs pa siya bago ibinalik ang atensyon kay Lian.

Nakakagaan ng pakiramdam malaman na okay na sila pareho. Kung ako rin naman ang tatanungin, mas okay na 'yong manitili silang magkaibigan.

"Atleast nag try at lumaban diba, Arki?" I asked and looked at Arki.

"Ayon ang mahalaga," he/she answered and tapped my shoulders bago lumapit kina Aika.

Reaching the SkyWhere stories live. Discover now