7

4.8K 170 164
                                    

note: i think i did well sa recit ko kanina and ginanahan akong mag sulat. and gaya nga ng sabi ni madsmadayag7 tutal graduation ni jill today, let's go with two updates. request granted! hihi kiligin at mag overthink ulit tayo. walang sisihan, you asked for this. hindi magiging parents for today's video. sleep well and enjoy, readers!!

Y/N's POV

After what happened sa kotse, Tricia became more talkative. She's letting me know more about herself. I don't even have to add a follow up question. Sa bawat isang tanong ko, halos lahat ng kasunod na tanong sa utak ko, nasasagot na n'ya. Kumbaga, kung nasa klase kami, ganitong studyante yung magugustuhan ng prof tuwing recits.

Dumating kami sa bahay at tinuro ko sa kaniya kung saan siya puwede mag park.

"Thank you," I thanked her at bumaba ng sasakyan. Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa.

I walked papunta sa kabilang side ng sasakyan, kung nasaan siya. I opened the door for her without saying anything.

Ilang segundo na ang nakalipas at hindi pa rin siya bumababa. I looked at her at nakatingin lang din s'ya sa akin.

"What?" I said and raised my brow.

"Nothing," sagot niya at ngumiti. "Thank you," bumaba siya ng sasakyan after magpasalamat.

Natawa ako sa reaksyon n'ya.

Tsk, she's kilig.

Sinarhan ko ang pinto ng kotse at humarap sa kaniya. "Tara, pasok ka,"

She's still smiling. Anong meron sa sinabi ko?

Nauna akong mag lakad at naramdaman kong sumusunod siya. She tried na masabayan ako sa pag lalakad, at nag tagumpay naman siya. Tricia is a tall girl, hindi rin naman nag kakalayo ang height namin, mukhang hanggang tenga ko siya.

"Mabait lang pala, ah? Bakit ka ngiting ngiti diyan?" I asked randomly dahil naalala ko 'yong palusot niya sa sasakyan kanina.

"Ganda kasi ng bahay n'yo!" Pag dadahilan na naman niya. "Are you alone here?"

"Bakit? Gusto mo ba ako samahan?"

Napatigil siya sa pag lalakad, I giggled and continued walking. "Wag kang kiligin masyado diyan, halika na," aya ko pero hindi ko siya nililingon.

"Hoy! I'm not kilig, no! Ang kapal mo talaga,"

"If you say so,"

Nang makarating kami sa front door ay binuksan ko ito at bumungad si Toffee na tumatakbo palapit sakin.

Lumuhod ako at hinaplos haplos siya. "How are you, little boy?"

Hindi ko siya mahawakan nang maayos dahil masyado siyang malikot at magalaw. He's like this kapag excited makita ako. He keeps on wagging his tail.

"Kumain ka na ba?" I asked him as if sasagot siya.

"Toffee! Toffee!" I heard someone shouting. "Naku kang bata ka, talagang pinapagod mo ako,"

Then I saw Inay running habang hawak 'yong tali ni Toffee. Mukhang nakawala na naman 'tong isa.

"Tumakas ka na naman, no? Lagot ka,"

Binuhat ko si Toffee at ako na ang lumapit kay Inay na ngayon ay hingal na. Tumatawa tawa akong niyakap siya.

"Hello, Inay!" Bati ko at ikinaway ang isang paa ni Toffee habang tumatawa.

Dito na lang yata nasstress si Inay. Laging ganito ang naaabutan ko pag uwi, kung hindi nakawala si Toffee ay umihi or nag poo poo sa sahig.

"Nak, nandito ka na pala," aniya nang makita ako. "Iyang aso mo na 'yan, nakakapagod alagaan. Hindi ba 'yan nawawalan ng energy?"

Reaching the SkyWhere stories live. Discover now