21

4K 192 345
                                    

note: here's the ayuda for todaaaay!! magaan lang 'to ah so huwag niyo ako awayin hehehe anw, ang point ko lang is habang sinusulat ko 'to, kinikilig ako. Lord, when naman po ako makakaranas nang ganito? HAHAHAHAHA chz. let us all wait for the right time. another word of wisdom era. kung para sa atin, para sa atin. eat dinner and enjoy, readers!

Y/N's POV

"Arki!"

Nagulat kami ni Tricia nang biglang may tumawag sa akin sa hallway. Agad na napabitaw si Tricia sa kamay ko. Pag lingon ko ay siya yung babae kanina na simp kay Ate Aiks.

"Hey, hello! Nandito ka na naman?" I greeted her.

"You know her?" Tricia asked.

"Uhuh, siya yung nag assist sakin sa room kanina," sagot ko. Tiningnan ko 'yong babae. "Sige na, oh batiin mo na. Nasa harap mo na,"

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Nakakahiya, Arki okay lang po ba?"

I nodded at saka naman siya tuwang tuwa na lumapit kay Tricia.

"Ay, Ma'am ang ganda niyo po so much sa personal!" Puri niya. "Naguguluhan na po ako sa inyo ni Jill.. pero kay Ate Aiks pa rin po ako uuwi," she said and giggled na animo'y kinikilig.

"You're shy pa niyan ah," sabi ko at natawa sa kaniya.

"Arki, sabi mo nga po, nasa harap ko na! Sayang ang pagkakataon po!"

"Hello! Siguro kay Mama ka na lang para walang away," biro ni Tricia at natawa naman kami.

"Susunduin ko po sana kayo, nakaready na po kakainan niyo sa baba," aniya at tinuro pa yung kainan sa baba na kitang kita mula rito sa hagdan. "Pero pababa na rin po pala kayo, tara po!"

"Ang sigla niya, hindi maboboring ang guest sa kaniya," Tricia whispered habang nakasunod kami pababa ron sa babae.

"Ganun talaga, taga Batangas, e." pagyayabang ko.

"Wow, taga Batangas ka ba?"

"Hindi," sagot ko. "Pero si Inay taga rito, bakit ba? Noon madalas niya kami ipasyal dito,"

"Really? Ipasyal mo rin ako!"

Mukhang narinig 'yon nung babae kaya lumapit siya sa akin at bumulong.

"Arki, may magandang beach dito, tamang tama pang date niyo ni Doc Tricia," bulong niya at nagtaas taas pa ng kilay.

"Saan 'yon? Turo mo sakin mamaya,"

"Ano 'yon?" Tricia suddenly asked.

"Huh? Wala?"

"Wala, Doc!"

Nang sabay kaming sumagot nung babae ay pinaglipat lipat ni Tricia ang tingin niya sa amin. Siniko ko naman nang bahagya 'yong babae at nginitian niya lang ako, nagpipigil pa ng tawa bago tuluyang umuna sa amin.

"Close na kayo?"

"Huh?"

"Kayo nung girl, close na kayo agad?"

Natawa ako sa itsura niya, pilit niyang hindi pinapahalata na selos siya. "Are you selos, miss ma'am?"

"Excuse me? Ako? Selos?"

I nodded and I heard her scoffed. "Hindi, no! Why would I be selos? Hindi naman siya ang nagayos sayo kanin—"

"Grabe! Ang ganda rito, no? Grabe talaga!" pagputol ko sa sinasabi niya.

Tatawa tawa siyang umuna sa paglalakad at iniwan ako rito sa likod. Nakikipagkwentuhan siya ron sa babae kanina at mukhang tuwang tuwa at kilig naman 'yong isa.

Reaching the SkyWhere stories live. Discover now