37

5.2K 292 2.4K
                                    

note: good eveninggg!! gigil na gigil kayo kagabi, ah? HAHAHAHAHA baka manggigil kayo lalo ngayon, pero keribels 'yan. malapit na 'to matapos, kapit lang! simula na ba ng war between the two? chz. anw, eat your dinner and enjoy, readers!

ps: we're road to 100k reads, maraming salamat sa inyo!! mahal ko kayo so much!!

Tricia's POV

"Ma'am Tricia, nandito na po pala kayo,"

Sinalubong ako nung helper namin dito sa bahay. Kinuha niya 'yong mga dala dala kong pagkain dahil dumaan ako saglit sa Mcdo para bumili.

"Si Miguel?" I asked.

Nakakapanibago na dumating ako rito sa bahay na wala siya.

"Umalis po, Ma'am. Hindi po ba kayo tinext?"

Umiling ako. Miguel is always like that, aalis nang walang paalam. Kaya hindi na rin ako nagugulat na malalaman ko na lang na kung saan saan na pala siya nakarating. Pero kahit ganoon, never ako umuwi na wala siya, palagi niya akong sinasalubong. But now, wala.

"Tara po, Ma'am. Kain po kay—"

"Hon?"

Bago pa maituloy nung helper namin ang sasabihin niya ay may narinig kami galing sa likod ko.

Napapikit ako nang maramdaman kong niyakap niya ako mula sa likuran.

"Can.. can you stop calling me that?"

"You're my wife,"

"By papers, yes."

Inalis ko ang pagkakayakap niya at dumiretso sa kusina. Inayos ko 'yong mga pagkain na dala ko at nauna sa lamesa.

Wala akong gana kumain pero gutom na ako at wala pang laman ang tiyan ko mula pa kagabi.

Sumunod si Miguel sa akin at tiningnan 'yong paper bag ng mcdo na wala nang laman.

"Where's mine?" he asked.

"Bumili ka," I whispered.

"What?"

"I said akala ko ay kumain ka na kaya para sa akin lang 'yong binili ko, but turns out na lumabas ka pala," pageexplain ko.

Sinabi ko 'yon para tigilan na niya ako, kahit ang totoo ay sinadya kong hindi siya bilhan.

Why? Kasi kagabi hindi rin naman niya ako pinakain dahil lang magkaaway kami. Balikan lang 'to. When he's treating me like shit, I'm treating him the same way.

"Kumusta 'yong pinagawa ko sayo?" he asked at naupo sa harapan ko.

"Ayaw niyang tanggapin,"

"Huh?" hindi makapaniwalang sagot niya. "Hindi puwedeng tumanggi ang secretary sa mga ganung bagay,"

"It's Arki."

Napatingin siya sa akin.

"Arki?" he asked. I saw him smirked. "Nag kita kayo?"

I didn't answer.

"Tricia, answer me," pag uulit niya pero still, I didn't answer.

"I said, nag kita ba kayo!?" sigaw niya at hinampas 'yong lamesa causing me to flinch a bit.

Galit na naman s'ya.

Sanay na ako sa ganitong set up namin kapag galit siya. Pero kahit ganoon ay nagugulat pa rin ako sa mga akto niya.

Lumapit siya sa akin at tumabi. "Answer me or els—"

"Or else what, Miguel?" laban ko. "Don't try to scare me, dahil hindi ako takot sayo,"

Reaching the SkyWhere stories live. Discover now