Chapter 22: Siwang sa Reyalidad

66 4 2
                                    


Allie's POV

Isang buong araw akong hindi lumalabas ng aking silid. Alam kong labis na ang pag-aalala ni Sister Marie ngunit tanging katahimikan lamang ang kayang kong isagot sa kaniya sa tuwing tinatanong niya ako kung anong nangyari.

Tama si Vougn. Alam kong mapanganib siyang tao. Ngunit sa kabila nito ay alam kong may mabuti siyang kalooban. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na siya kinatatakutan. Lalo po at naranasan ko mismo ang kanyang kakayahan.

Muli kong tiningnan ang baril na pinagamit niya sa akin ng gabing iyon.

Madilim ang kanyang walang sigla na mga mata nang iniwan niya ako nang gabing iyon. Nabalot ako ng takot at pangamba. Hindi nga siya nagbibiro sa sinasabi niya mula pa noon na may mga masasamang loob na kahit gaano ako kapursigido ay hindi ko kayang pigilan.

Labis ang takot na naramdaman ko sa pag-aakalang tuluyan niyang dudungisan ang aking mga kamay. At sa lahat nang maaari niyang gawin ng gabing iyon, bakit ang pagtangkang pagkitil pa sa buhay niya? Labis kong ikinatakot ang pag-iisip na unti-unting bibigat ang kanyang katawan at walang tigil na lalabas sa kanyang dibdib ang dugo. Na ang mga mapanganib niyang titig ay unti-unting pupungay hanggang sa tuluyan itong magsara.

Lumipas ang oras at ang takot ay unti-unting humupa at napalitan nang pagkalito. Hindi ko maunawaan ang mga katagang binitawan niya. Na ang lugar na inaakala kong paraiso ay isa lamang maliit na mundong ginawa para sa akin. Na hindi ito ang reyalidad. Kung ganooon alin sa nakagisnan ko ang totoo? Alin sa pagkatao ko ang talagang ako?

Kailan ko ng mga kasagutan. Kapag patuloy akong natakot at nanatiling walang alam ay maaring magkakatotoo ang sinabi ni Vougn na hindi ko magagawang mailigtas ang mga taong mahalaga sa akin.

Hindi ko man alam ang katotohanan sa ngayon, hindi magbabago ang panananaw ko sa mga taong nagpalaki sa akin at itinuring akong pamilya. Ramdam ko ang kanilang pagmamahal at kalinga at iyon ay ilang bagay na hindi kalianman kayang linlangin.

May isang tao ang sigurado akong makakasagot sa aking mga tanong.

Halata ang pagbabago ni Vougn mula noong nagkaroon ng inspeksyon dito sa lugar. Iyon din ang unang pagkakataon na nakita ko ang mga lalaking iyon sa lugar. Maliban sa isa.

Hindi ako maaaring magkamali. Siya iyong parehong tao na kasama ni Vougn noong huling beses na umalis siya rito.

Kung ganoon ay pati rin ba ang pagpunta rito ni Vougn ay parte ng mundo at pangyayari na kanilang nilikha?

Kailangan kong makakalap pa ng impormasyon.

Iniwasan ko ang lahat ng mga taong maaari kong makasalubong sa daan. Hindi rin ako nagpaalam sa aking paglisan. Hindi ko na alam kung sino pa ang dapat kong paniwalaan.

Minabuti kong dumaan muna sa aking munting tirahan sa kagubatan upang kumuha ng ilang gamit. Ngunit ang inaakalang magiging matagal na paghahanap sa taong nais kong makita ay nauwi sa hindi ko inaasahang pagtatagpo.

"It's been a while." Kinunotan ko siya ng noo. Tila ba inaasahan nya ang aking pagdating.

"Don't play dumb with me, Allie. You've seen me before and we'll see each other more often. I'm Simeon." Pagpapakilala niya habang nanatiling nakaupo sa bintana.

"Anong kailangan mo sa akin?" Nanginginig kong kinapa ang baril mula sa likuran.

"Don't even try Allie. I can pull my trigger faster than you taking that out." Pagbabanta niya sa akin ngunit hindi ako nagpatinag. Kinuha ko ito at itinutok sa kanya. Ngunit hindi man lang siya mababakasan ng takot. Sa halip ay nakangiti lang siyang tinititigan ang bawat galaw ko.

The Psychopath's Son (On Going)Where stories live. Discover now