Chapter 4 - Nyctophilia

1K 44 4
                                    


Can she understand english or not? Does she understand everything right from the start? Did she just act like she didn't understand anything?

Kaninang kanina ko pang iniisip at kinakausap ang sarili ko whether she understand me or not. Pagkapasok ko ng loob ng kwarto sa simbahang ito ay agad kong nakita si Allie na kasama ang mga kapwa nya at mga batang simbahan. This church isn't just a church. It's more like a chapel and an orphanage.

"Ate Allie ano pong basa at ibig sabihin ng salitang ito?" A little boy asked Allie. Kaagad naman itong lumapit at binasa ang librong hawak nang bata.

"Faith. All we need is faith. Ibig sabihin ay paniniwala. Naniniwala tayo sa isang bagay kahit hindi natin ito nakikita iyon ang ibig sabihin nito. At kailangan natin ang bagay na iyon lalo sa Pnginoon. Dapat tayong maniwala sa kanya kahit na hindi natin sya nakikita." Tatango tango lamang ang bata sa sinabi ni Allie. Looks can really be deceiving. First, she looks like an uncivilized, weak and illiterate girl living in this unknown town and now she can defend herself, she can even read and understand English. This girl is driving me insane.

Napailing na lamang ako na umalis sa loob ng kwarto. All the people here welcomed me like I'm one of them. They really believe that I'm just a wanderer.

Naglibot ako sa buong lugar and this is actually amazing. Mayroon silang simpleng mga palikuran at poso sa may likuran na may mga kawad sa gilid marahil ay sampayan ng mga damit. Mayroon din itong maliit na taniman sa may bandang likod at talagang masagana ang bunga ng mga ito.

"Anong ginagawa mo rito binata? Hindi ka ba nagsasaya sa loob?" The nun who welcomed us a while ago asked. She's picking some fresh fruits and vegetables at the backyard.

"I just want to know more about this place." She looked at me clueless. So it's only Allie who can speak English.

"I mean, gusto ko lang pong maglibot-libot." I said and she smiled at me and continued on what she's doing.

"Magkakaintindihan kayo ni Allie sa lenggwaheng ingles na iyan. Siya lamang sa loob ng simbahang ito ang may kakayahang makipag-usap sa ibang lenggwahe maliban sa tagalog." As I thought so.

"Yes, kung mabibigyan ng pagkakataon." I smiled and help her picked some petchays.

"Mabait at masiyahing bata si Allie. Marami nga lamang magnanakaw sa bayan namin kaya't nahihirapan syang pagkatiwalaan kaagad ang isang estranghero. Tuwing mananakawan o mawawalan ng gamit ang simbahan ay kaagad na hinahabol ni Allie kung sino ang may kagagawan ng bagay na iyon. Iisa lamang naman ang kanilang dadaanan at iyon ay ang paborito at pangalawang tirahan ni Allie, ang kakahuyan." We're done picking some fruits and vegetanles kaya't tinulungan ko na siyang buhatin ang mga iyon papuntang kusina.

"Paano nya napapagsabay ang mga iyon at ang pag-aaral." I asked out of curiosity.

The nun laughed and then glanced at me. "Hindi pumapasok sa eskwelahan si Allie. Malayo ang eskwelahan dito at hindi rin namin kayang pag-aralin ang mga bata. Hindi naabot ang bayan na ito ng sustento na galing sa pamahalaan. Kailangan naming umasa sa mga sarili namin. Napaka palad ni Allie. Binigyan siya ng napakatalinong pag-iisip. Isang kita nya palang sa mga bagay ay kaagad na niya itong matatandaan. Kadalasan ay sumasaglit siya sa paaralan para tumingin mula sa bintana at pag-uwi niya ay may bago na naman siyang kaalaman. Kung paminsan pa ay makikinig siya sa pag-uusap ng mga banyaga at pag-aaralan ang kilos ng mga ito. May mga libro din dito sa simbahan na binabasa nya at pinag-aaralan. Kahit hindi sya pumasok sa paaralan ay higit pa sa mag-aaral ang alam niya." I can't do anything but to be amazed on that. I mean, she's really incredible. I didn't finished high school so I don't have any choice but to study on my own but she's different. She never had the chance to go to school yet she's that clever.

The Psychopath's Son (On Going)Where stories live. Discover now