Tutor / 62 - Agony

8.7K 156 1
                                    

APPLE POV
Kanina lang ang saya pa namin. Nagtatawanan, nagkukulitan at naglolokohan.

Kanina lang okay na okay siya. Masigla at malakas na siyang tignan pero anong nangyari?

Sa tinagal tagal kong pangungumbinsi sa kanya ay pumayag narin siyang magpa-Bone Marrow Transplant. Pero dapat ko na bang pagsisihan yun?

Nasa kritikal na siyang kondisyon ngayon. Maayos ang operasyon pero heto ngayon. Paulit ulit siyang nire-revive ng doktor para lang mabuhay siya.

Nanlalambot na ang tuhod ko sa panghihina ko. Ang sakit. Ni isipin ko pa lang ay nasasaktan na ako paano pa kaya kung totoo na?

Pero sana hindi mangyari yun!

Nagulat nalang ako ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko pala cellphone. Kay Cherry ito. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitignan ang screen ID.

Si Chace.

Inayos ko ang sarili ko at pinigil ang pag-iyak bago sagutin. "Anong kailangan mo? Bakit ka tumatawag kay Cherry?" Masungit ko tanong

"Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap. Please." Aniya na parang boses lasing.

Ano bang problema ng lalaking 'to? Pagkatapos ng lahat ng sakit na nasabi niya kay Cherry ay tatawag nalang ng basta basta?

"Nasaan ka?" Tanong ko

"Sa park." Sagot niya kaya pinatay ko na ang tawag.

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Cherry at doon na ako mas lalong naiyak. Humagulgol na ako sa nakita ko. Napakabilis ng pangyayari.

Bakit?

Humanda ka sa akin Chace!

Napahigpit ako sa cellphone na hawak ko at dahil sa sobrang galit at tinanggal ko ang keychain at ibinulsa. Alam kong galing ito kay Chace pati narin 'tong singsing.

Ang singsing ni Cherry na kinuha ko ng palihim habang natutulog siya. Kailangan ko ng kumilos.

Nagmadali ako sumakay ng kotse at inayos na muna ang sarili. Kailangan ko na munang ayusin ang sarili ko bago humarap sa kanya.

Paguguhuin ko ang mundo niya!

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa makarating sa Park. Dahan dahan akong naglakad at pilit na pinipigil ang galit sa loob ko.

Tumayo ako sa harap niya habang nakayuko siya at unti unting umangat ang mukha. Sa totoo lang namayat na siya ngayon at wala ng ayos sa sarili. Puro pasa narin ang katawan at amoy na amoy ko ang alak kahit dalawang metro ang layo ko sa kanya.

Nakakaawa siyang tignan.

Malamang dahil sa nalaman niya na ang ginawa ng Ama amahan niya sa amin ni Cherry at nahihiya siya.

"Si Cherry?" Tanong niya sa garalgal niyang boses na anytime ay maiiyak na.

"Wala siya." Walang emosyon kong sagot

Napatayo naman siya at aakmang lalapit pero agad ko siyang pinigilan sa pagsesenyas ng isa kong kamay na tumigil siya.

"Nasaan siya?" Ulit niya

"Anong kailangan mo sa kanya?"

"Gusto ko siyang makausap."

"Para saan pa? Bakit? Sasaktan mo na naman siya? Pagsasalitaan ng kung anu anong masama? Itratrato ng parang basahan? Ano pa?! Hihiyain sa harap ng ibang tao?!" Sunod sunod kong tanong

"Hindi mo ako naiintindihan." Aniya na pailing iling at naiiyak na

"Wala akong dapat intindihin Chace!"

TUTOR IN BED 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon