Tutor / 22 - Dreams

15.2K 209 50
                                    

CHACE POV

Napangiti ako habang nagdridrive pauwi dahil sa saya ko kanina. Yun na yata ang kauna unahang pagkakataon na makita ko siyang tumatawa ng totoo.

Pagkatapos naming magkantahan ay naglibot kami sa Mall at kumain ng kung ano anong Ice cream at street foods pati rin sa mga stall.

Pinauna na akong umuwi dahil may pupuntahan sila at girl's bonding daw. Sinabi naman ni Sapphire na hindi sila magbo-boy hunting kaya okay na sa akin.

Ang saya ko talaga ngayong napasaya ko siya kahit na malaman ko ang lahat lahat ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Mas minahal ko pa siya sa mga nalaman ko.

Hindi ko hahayaan na makaramdam uli siya ng matinding lungkot. Ngayong alam ko na ang nakaraan niya ay gagawin ko ang lahat lahat para lang  maprotektahan siya.

Aren't you somethin' to admire, cause your shine is somethin' like a mirror
And I can't help but notice, you reflect in this heart of mine
If you ever feel alone and the glare makes me hard to find
Just know that I'm always parallell on the other side

Inihinto ko na mun ang kotse ko sa tabi bago sagutin ang tawag. Napakunot noo ako. Anong kailangan nito at napatawag bigla?

"Hello?" sagot ko

(What took you so long to answer my call?) sabi niya

"What do you want?" sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya

(We're going back tomorrow.)

"Why are you saying this to me now?"

(Go home and fix our room!)

"I'm your younger brother not a maid!"

(Exactly! Your only my younger brother so i can tell you what to do and you should do it for me!)

"Tsk."

(Where's Mommy?)

"Nasa mansyon."

(How about our business and properties?)

"Everything's fine. How's Daddy?"

*Toot Toot Toot*

Tsk. Ang lupit niya. Ayaw niya lang sabihin kung okay na siya. Nung mga bata pa kasi kami ay ninakawan daw si Daddy at pinukpok pa sa ulo kaya pinagamot siya sa ibang bansa para matanggal ang blood clut sa utak niya.

Siyanga pala, siya ang kuya kong Cristopher. Matanda siya sa akin ng isang taon. Napakalapit niyan kay Daddy at ganun din si Daddy sa kanya. Lagi nalang ako naiitsapwera kay Daddy. Lahat nalang ng gawin ko ay wala lang sa kanya. Minsan nga iniisip ko kung anak ba talaga nila ako o hindi.

Si Mommy naman ay mahal na mahal ako at lahat ng bagay ka kailangan ko ay binibigay niya sa akin. Kaya lang mukhang naiingit sa akin si Kuya at Daddy kapag nasa akin ang atensyon ni Mommy.

Niliko ko ang kotse papunta sa mansyon namin. Kailangan kong ayusin ang pinag-uutos ng magaling kong Kuya baka kasi pagsabihan na naman ako ng hindi maganda. Umuuwi naman siya dito ng isang beses sa isang taon. Tatlong araw na ang pinakamatagal niya rito dahil binabantayan niya si Daddy doon at ngayon pakiramdam ko ay dito na sila mamamalagi.

TUTOR IN BED 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon