Tutor / 21 - Only For You

16.3K 261 12
                                    

Bumalik ako sa Unit ng mahimasmasan narin ako. Humingi rin ako Kay Papa ng paumanhin dahil sa abala. Okay na siguro 'tong ganito na wala siyang alam pero malapit kami sa isa't isa.

Pagkabukas ko ng unit ay agad na naglanding sa akin si Chace. Niyakap niya ako. Anong problema naman ng isang 'to? Tinignan ko si Sapphire pero nagkibit balikat lang siya.

"Anong meron?" tanong ko

"Gusto ko lang sanang mag-sorry tungkol sa kanina." sabi niya

"May magso-sorry bang mangyayakap agad agad? Hindi ba pwedeng patawarin na muna kita bago mo ako yakapin?" sabi ko

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at napakamot sa ulo. Ibilihan ko kaya ng suyod 'to? Baka mahawaan pa ako ng kuto niya kapag nagkataon.

Naglakad ako papuntang kusina at naupo nakaramdam na kasi ako ng gutom. Tinignan ko si Sapphire na nakatungo kaya ginulo gulo ko ang buhok niya.

"Videoke tayo pagkatapos nating kumain?" sabi ko sa kanya kaya nagliwanag ang mukha niya.

"Really?" sabi niya na excited na

"Oo nga haha." sagot ko sa kanya. "Ikaw." turo ko kay Chace. "Gusto mo bang sumama o hindi?"

"Gusto."

"So, what are you waiting for? Kumain ka na at maghuhugas ka pa ng pinggan hahahaha."

Umupo narin siya sa upuan para kumain. Bakit parang iba yung atmosphere nilang dalawa? Hindi kaya pinagtataksilan na nila ako?

Tsk. Ang baliw ko lang para mag-isip ng ganun.

*Kring! Kring! Kring!*

Napatigil ako sa pagsubo ng magring ang telepono.

"Ako na lang." presenta ni Chace kaya hinayaan ko nalang.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Chace.

"Sino yun?" tanong ko

"Cris daw?"

"Cris?" napakunot noo ako. Sino ba yang Cris na yan? Ang dami dami kayang Cris sa mundo.

Nagkibit balikat nalang ako at hindi ko nalang pinag-aksayahan ng space ng isip ko para lang isipin kung sino siya. Masyado na akong maraming iniisip para isipin ko yang lalaking yan.

"Hindi mo ba tatanungin kung anong sinabi niya?" tanong ni Chace

"Ayoko." sagot ko nalang.

Wala rin akong pakialam kung anong sinabi niya kaya bahala siya sa buhay niya. Anong akala niya sa sarili niya? Siniswerte?




Pagdating namin sa KTV Bar ay kumuha na kami ng private room para sa aming tatlo. Nakakahiya naman kung live kaming kumanta baka pagbabatuhin lang kami ng itlog. Well, wag niyo ng tanungin kung saan nila tinatago ang mga itlog dahil hindi ko rin talaga alam.

Tumayo si Chace para pindutin ang kakantahin niya. Aba naman talagang siya ang nanguna? Nasaan ang Lady's first? Nasaan ang hustisya?

THINKING OUT LOUD
When your legs don't work like they
used to before
And I can't sweep you off of your
feet

TUTOR IN BED 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon