Tutor / 08 - Changed

25.8K 351 21
                                    

"Dahil sa mukhang madali ka namang matuto, siguro ay Isang Buwan lang kitang tuturuan." sabi ko sa kanya.

Nandito kami uli sa Park at kagagaling niya lang sa eskwelahan nila. Napag-usapan kasi namin na dito nalang kami magkikita. Same place and same time para wala ng mahabang usapan pa.

"S-ige."

Napakunot noo ako. "Will you stop stummering?"

"Okay."

"Ganyan dapat."

Sa totoo lang maaliwalas na ang itsura niya ngayon kaysa dati dahil hindi ko na siya pinagsusuot ng glasses niya. Siguro kailangan na munang ayusin ang sarili niya para mas habulin siya at magsisi yung babaeng nanghamak sa kanya.

Tumayo ako "Tara!"

"Saan?" tanong niya

"Basta tara!"

Agad naman siyang sumunod sa akin. Nilingon ko naman siya saka tumigil ako sa paglalakad.

"Ano yun?"

"Huwag ka ngang yuko ng yuko! Chin up!" sita ko sa kanya.

"Ah. Ganito ba?" tanong niya ng inayos ang sarili pero pinatigas lang naman niya na parang higa ng bangkay sa kabaong.

Humarap ako sa kanya "Hindi ganyan!" sita ko uli kaya ako na ang nag-ayos ng Chin niya pati narin postura. "Subukan mo ngang maglakad." utos ko

Kaya naman naglakad din siya pero guess what. Naiinis ako! Para siyang walang buhay! Hindi ba 'to kumakain ng gulay? O kinulang sa gatas? Para kasing walang Calcium sa buto.

"Daig ka pa ng matanda! May Osteoporosis ka ba?"

"Wala."

"Hindi pwede yan. Kailangang mabanat yang katawan mo!"

"Ha?"

"Ang ibig kong sabihin, sa sabado at linggo ng umaga ay magjo-jogging at maggy-gym tayo. Sabado bukas kaya mage-exercise tayo. Maliwanag ba?"

"Pero-"

"3 Hours tayong mage-exercise bale dapat nandito na tayo ng 4:45 para sa stretching dahil mag-uumpisa tao ng 5am hanggang 7am. Okay?"

"Kaya lang-"

"Anong, kaya lang? Malayo pa naman ang finals niyo ah? At wala pang mga projects na pinapagawa."

"Paano mo nalaman?"

"May kakilala akong nag-aaral din doon." sabi ko saka umupo uli sa bench. Alangan namang mag-usap kami ng nakatayo?

"Ah. Pwedeng magtanong?" sabi niya saka tumabi sa akin

Napatingin ako sa kanya. "Gasgas na yang linyang yan pero nakakainis parin talaga kapag tinanong yan! Ano ba yun?"

"Kasi. Curios lang ako."

"Ano na nga yun?!"

"Maliban ba sa akin, may iba ka na bang tinuruan dati?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Mayroon na nga ba?

"You're the lucky one because you're my first student." sabi ko

Wala naman na kasi akong maisip na tinuruan kong iba kundi siya lang saka wala na akong maalala at ayoko ng alalahanin pa. Baka sumakit pa kasi ang ulo ko sa pag-iisip.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay biglang may tumunog na Cellphone. Sinulyapan ko ang katabi ko na kinapa ang bulsa. Tsk. Two is better one pala ha.

"Hello? Ha? Sigurado ka? Hindi ba pwedeng ipa-cancel pa yan? Sige. Isingit mo na lang sa schedule ko. Ah! Siyangapala, Ilagay mo sa Saturday at Sunday ko na busy ako ng 5-7am. Sige salamat." sabi niya saka binaba ang tawag.

TUTOR IN BED 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon