Tutor / 57 - Witnessed by the Moon and Stars

9.5K 157 5
                                    

CHERRY POV
Abala akong nagtitimpla ng niluluto ko habang si Chace naman ay abalang naghihiwa ng ibang sangkap.

"Ano kaya kong sa labas tayo kumain?" Suhestyon niya

Napakunot naman ako ng noo. "Labas? Ang ibig mo bang sabihin ay labas ng unit ko?" Tanong ko

Natawa naman siya sa sinabi ko "Hindi."

"Ah. Sa labas? O, tara na. Wag na tayong magluto." Yaya ko

"Anong kakain natin?" Tanong niya rin

"Diba sabi mo kakain tayo sa labas? Ano yun, KKB? Kanya-kanyang baon?"

Napaupo siya sa upuan napahagkpak ng tawa. "Hindi. I mean, sa isang patag na lugar. Kung gusto mo naman, dito na tayo kumain para lalarga nalang tayo. Ano?" Paliwanag niya

"Interesting nga! Sige, dito na tayo kumain." Sabi ko saka tuon ng atensyon sa niluluto ko na kumukulo na rin.

"Okay. Kukunin ko muna sa unit ko yung Telescope ko para sa Stargazing natin." Aniya na paalis na sana pero agad ko siyang napigilan.

"Wait."

"Ano yun? Doon nalang kaya tayo sa penthouse mo? Diba kita rin naman ang mga Bituin at Buwan doon?"

Sumaya ang mukha niya sa sinabi ko. "Talaga? Sige."

"Dalhin nalang natin ang mga ito." dagdag ko na ikinatuwa niya ng husto.

"Alright! Excited na ako!" Aniya
           
           ***
         
"Kunin ko lang muna yung Telescope." Aniya saka tumakbo papasok.

Inilatag ko na muna ang makapal na tela sa sahig. Nandito na kami sa open air niyang mala-Veranda slash Garden narin dahil sa dami ng tanim niyang halaman.

Inihanda ko na rin ang mga dala naming makakain. Nagluto narin ako ng desert at kung iba-iba pa. This is my first time na mag-star gazing kasama ang lalaking mahal na mahal ko.

"Here! Dala ko na! Wait. Ayusin ko muna." Pinapanood ko lang siya sa mga pinaggagagawa niya.

Yung malaking Telescope ang dala niya na yung may stand.

Napatingin siya sa akin at biglang kumunot ang noo. "Dumudugo na naman yang ilong mo!" Aniya saka pinunasan agad.

Hindi na maganda 'to.

Habang dumadaan ang araw ay palala na ng palala ang kalagayan ko.

"Bakit ba laging dumudugo yan?" Tanong niya

"Stress lang siguro."

"Tara, pa-check up ka muna." Yaya niya

"Wala lang 'to. Mawawala rin 'to."

"Pero-"

"Enough. Drop this conversation na, okay?"

"Ah. Sige. Pero talagang okay ka na?" Tanong niya uli

Tumango tango at ngumiti nalang muna ako sabay sabing "Okay na okay!"

"Mabuti naman kung ganun."

Pagkatapos ng ilang minuto ay napagpasyahan na naming kumain. Tulad nga uli ng dati ay sarap na sarap siya sa luto ko.

Note: Double meaning sa akin yun!

Napasulyap ako sa cellphone ko. Hindi parin nagpaparamdam si Sapphire hanggang ngayon. Ano bang pinagkakaabalahan ng babaeng yun?

Nag-aalala na ako ng husto.

"Ano yun?" Tanong ni Chace ng mahalatang panay panay ang tingin ko sa cellphone ko.

TUTOR IN BED 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon