Tutor / 11 - Back at One

21.4K 323 19
                                    

Halo lang ako ng halo ng tsaa ko habang nakapalumbaba. Puro buntong hininga na lang ang ginagawa ko.

"Excuse me?"

Napaangat ako ng mukha at nakita ang may edad ng lalaki. Natigilan ako at natulala.

"Pwede maki-share sa mesa? Wala na kasing space." sabi niya saka tingin sa mga nakaupo kaya napatingin rin ako.

Ang malas naman!

Tumango tango nalang ako bilang sagot. Ano pa nga bang magagawa ko na ako ako lang ang walang kasama sa mesa?

"Salamat." sabi niya sabay lapag ng Tsaa sa mesa.

Tinanguan ko uli siya ng isang beses saka hinarap ang Tsaa ko at hinalo halo ng mabilis. Nate-tense ako sa mga oras na ganito.

"Anong pangalan mo?"

Ito na nga ba yung sinasabi ko eh.

"Ruby." sagot ko.

"Kamukha mo yung anak ko." dagdag niya.

"Ganun ba."

"Oo. Yung kambal ko." natigilan ako sa sinabi niya

"Ah." yun lang nasabi ko ko saka uminom ng Tsaa

"Ang ganda ng Coffee shop na 'to ano?" pag-iiba niya.

"Oo nga po."

"Paborito mo rin pala yan?" tukoy niya sa Tsaa ko

"Ah. Opo."

"Pareho tayo. Ah. Taga saan ka?" tanong niya

Tumingin ako sa relo ko "Ah. Kailangan ko na pong umalis. Excuse me." saka na ako tumayo.

"S-sige."

Paglabas ko ng Coffee shop ay napasandal ako. Bakit kami nagkrus ng landas? Kung kailan todo iwas ako sa kanila ay siya namang paglalapit sa aming ng tadhana.

Gustong gusto ko siyang yakapin. Gustong gusto kong maramdaman uli ang yakap ng aking ama. Pero hindi pwede. Ayoko ng magkaroon pa kami ng koneksyon sa isa't isa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa Park at naupo na muna saglit. Sa paborito kong upuan.

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nung nangyari sa Yoga Studio. Hindi na nagpaparamdam at nagpapakita sa akin si Chace.

Marahil nga'y nakipagbalikan na siya sa Marla na yun. Kungsabagay, ano nga bang magagawa ko? Doon siya mas sasaya.

Pero hindi ko maikakaila na sobrang galit ko sa Marla na yun. Ang sarap ipagahasa ang malanding yun. Akala mo naman napakaganda eh konting konti nalang ay magkamukha na sila ni Kakay. Psh.

Idagdag pa yung dalawang malalaki niyang ngipin sa harap na parang koneho. Kung makapagsuot naman ng shorts ay akala mo kung walang barya sa binti eh kulang nalang maging alkansya yun sa dami ng naipon.

Pati narin yung buhok niya na pinagsawaan na ng split ends at mukha niyang dinaig pa ang Fourth Coating saka yung damit niyang imported kuno pero sa ukay ukay naman pala dumaan.

Hindi siya karapat dapat kay Chace at lalong lalo na, ako. He deserves someone better. An innocent girl. Kaya bakit ba ako nagmumukmok dito?

"Ruby?" napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin

Ano na namang ginagawa ng isang ito dito?

"Bakit?"

"Patabi."

"Upo ka lang. Wala naman akong pangalan dito ah."

"Meron kaya. Ito oh." sabi niya kaya napatingin ako sa itinuro niya.

TUTOR IN BED 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon