Tutor / 50 - When Trust and Doubt Collide

8.8K 147 6
                                    

CHACE POV
Nagpadive dive ako sa kama niya. Wala kasi siya at nakikipag-usap sa boses na manyak na Cris na yun.

Hays, nakakapangsakit ng ulo ang isipin kung anong pinag-uusapan at ginagawa nila. Boryong boryo na ako dito.

Agad akong napabangon ng may maisip ako. Ano kaya kung sundan ko siya? Hindi naman ako magpapakita. Titignan ko lang kung anong ginagawa nila.

Tama!

Hindi ko naman sila susugurin eh.

Nagmadali akong lumabas ng unit ng wala ng palit ng damit.

CL Restaurant yun na pagmamay-ari ni Daddy kaya alam ko kung nasaan.

Drinive ko ng mabilis ang kotse ko para lang makarating sa kinaroroonan nila. Bumaba agad ako at sumilip sa loob.

Nakatalikod yung lalaking boses manyak samantalang nakaharap sa kinaroroonan ko si Ruby.

Naglakad pa ako ng konti para mas makita ang mukha ni Ruby.

Napakunot noo nalang ako ng tumatawa siya. Hindi naman siya ganyan sa akin nung una naming pagkikita ah? Pero bakit sila ay mukhang close na close na sa isa't isa?

Ang kapal din ng mukha ng lalaking yun na punasan ang bibig ni Ruby. Psh. Pasalamat ka lang talaga dahil kay Ruby lang nakatutok ang mga mata ko.

Nagulat ako ng tumayo na si Ruby at ilapat ng lalaking yun ang likod ng palad sa noo niya. Agad na akong tumalikod at bumalik sa kotse ko.

Bakit ganun? Ni hindi ko nga mahawakan si Ruby noon nung una naming pagkikita pero ang lalaking yun akala mo kung sino.

Halos mapalundag ako ng magvibrate ang cellphone ko. Dinukot ko naman ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

Ano naman kayang problema ng Andrew na 'to?

"Hello?" Sagot ko ng pabalang dahil sa init ng ulo.

(Oh? Anong problema mo?)

"Mainit lang ang ulo ko." Sagot ko.

(Di ba may usapan tayo?)

"Anong usapan?" Tanong ko naman dahil wala naman akong maalala.

(Mag-iinuman tayo diba? Ililibre mo pa nga ako eh. Nasaan ka na ba? Sunduin mo ako dito sa bahay.)

Ah. Oo nga pala. Tsk. Tama. Iinom ko nalang 'to at mawawala rin.

"Sige, papunta na ako."
      
      ***
              
"Pare! Ang bilis mo ah!" Aniya ng makasakay sa kotse ko.

"May pinuntahan pa kasi ako." Sabi ko habang nakatingin lang sa daan.

"Saan naman?"

"Dyan lang." Sabi ko nalang.

"Iba yata ang aura mo ngayon ah?" Puna niya sa akin.

"Badtrip lang, Pare."

Hindi ko nalang siya sinagot bagkus ay bumaba na agad ako ng makarating kami sa Bar.

Naglakad lang ako ng tuloy tuloy at hindi pinapansin ang mga taong nasa paligid ko. Naupo lang kami sa stool chair dahil hindi ko gustong makipag-table at alam kong ganun din si Drew.

Alam kong wala siyang hilig sa mga babae at hindi rin siya bakla. Ayaw niya lang na madagdagan ang isipin niya sa buhay.

"Isang Bote nga ng Brandy." Order ni Drew kaya naman binigay agad sa amin ng Bartender.

Nagsalin agad ako saka uminom.

"Whoah. Masyado ka naman yatang excited P're."

Matapos kong tinungga ang alak ay parang wala lang sa akin kahit na napakapait nito.

TUTOR IN BED 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon