Tutor / 18 - Smooth

17.9K 261 10
                                    

"Yey! Nandito na kayo!" bati sa amin ni Sapphire na nakatayo sa tapat ng pintuan kaya nagulat ako.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko

"I'm starving." saka siya ngumuso

"Ngayon? Hawak ko ba yang bituka ko?"

"Bigay mo sakin Sapp, ibubulsa ko." hirit naman ni Chace

"Shut up. Gutom na ako." protesta ni Sapphire saka dumapa sa Couch. Si Chace naman ay nagpunta na sa kusina para iayos na ang mga pinamili namin.

"Magdiet ka nga." sabi ko sa kanya

"Ginagawa ko naman kaya lang, hindi ko mapigilan. Alam mo namang mahirap magpigil lalo na kapag nakahain na ang pagkain diba?" sagot naman niya na may kagat labi.

Tsk. Sex na naman ang nasa isip ng babaeng 'to.

"Oo na."

"Mag-Bar tayo mamaya ha?" yaya niya

Nag-isip na muna ako. Kung sa bagay, matagal tagal narin akong hindi nakakapagBar. Namiss ko ang ingay, amoy ng alak at mga lalaki.

"Sige." sagot ko

"Sige. Ako din." sabi rin ni Chace na nasa likuran ko na

"Hindi pwede." tugon ko bago tumabi kay Sapphire

Ngumuso si Chace "Sige na naman."

"Ayoko pa din."

"Hindi pa kasi ako nakakapasok sa Bar." sabi na naman niya

"Isama mo na siya Bru. Ang kulit niyang lalaking yan at alam mo yun." sabi rin ni Sapphire na sumuko na sa kakulitan ni Chace.

"Psh. Ano pa nga bang magagawa ko?" pagsuko ko

    

    

    
BAR

"Ang ingay!" reklamo ni Chace habang nakatakip ang dalawang tenga.

"Problema mo na yan. Pasama sama ka pa kasi." sabi ko naman

"Gusto kasi kitang bantayan." sagot naman niya.

"Hindi na ako bata para bantayan mo. Kabisado ko ang lugar na ganito baka ikaw pa nga ang dapat bantayan eh."

"Ang akin lang naman ay baka lapitan ka ng ibang lalaki."

"Malamang. Maganda at Sexy ako kaya sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa akin dito?" pang-aasar ko

"Subukan lang nila." sagot naman niya sa malakas na tugtugan pero sapat na para marinig ko.

"Psh. Higit namang mas gwapo ang mga lalaki dito kaysa sayo." sabi ko nang makaupo kami sa VIP table.

"Wala akong pakialam."

"Mas malaki ang katawan."

"Kahit na."

"May abs."

"Magkakaroon din ako."

"Mabango."

"Ako rin naman."

"Nakakaakit ang kanilang mga mata." pang-iinis ko habang nakatingin sa isang lalaki.

"Titigan mo ako." sagot naman ni Chace kaya natawa ako at binalik ang paningin sa kanya.

"Oo na."

"Haha mabuti naman."

"Ang ingay niyo. Magsasayaw na muna ako." sabi ni Sapphire saka tumayo at nagpuntang dance floor.

TUTOR IN BED 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon