11

343 27 2
                                    

Yumi




"Kayo na muna bahala dito, Ate, ha? Balik ako agad." paalam ko kay ate Jen. Tumingin naman siya sa gawi ko habang patuloy padin sa pag hahalo ng ingredients. Gumagawa kasi siya ng brownies.


"Balik agad, ha. Mag-iingat ka." sabi niya. Andito kasi kami ngayon sa condo ko, sanay naman kaming ganito. Halos yung isang cabinet ko sa closet ko ay halo-halong damit nilang apat.


"Opo, Ate. Itaboy mo nalang sila palabas kung magulo sila ha? Bye Ate.." kumaway na 'ko sakanya. Tumawa naman siya.


"Hoy, Eya. Akin na nga 'yang controller, kanina ka pa eh!" sabay hablot ng controller ni Bella mula sa kamay ni Eya.


"Mamaya na, mananalo na ako kay Ibyang, oh! Epal!" kinuha ulit niya ang controller.


"Kanina mo pa 'yan sinasabi, eh! Pang wanmilyon na 'yan." maktol ni Bella.


"Fyi, Mhicaela Belen.. pang sampung beses ko palang sinabi 'yon. Grabe ka naman."


"Ingay niyo, pareho naman kayong talunan." asar naman ni Ibyang sakanilang dalawa.


"Luh, feeling. Nanalo ka lang isang beses sakin feeling mo ang galing galing mo na. Alis! Ako naman." sabi ni Bella.


"Si Eya pala yung talunan." hindi naman maipinta ang mukha ni Eya ng sabihin 'yon ni Ivy.


"Awat na. Asar na asar na si Eya, oh. Hahaha." pag aawat ko sakanila. Baka kasi magsapukan 'to maya-maya eh hahaha.


"Luh, sino ka????" sabay sabay na sabi nila.


"Luh, kung palabasin ko kayo dito, aber?" nakapamaywang kong sabi.


"Hehe, joke lang.. 'to naman 'di na mabiro-biro." kamot batok nilang sabi, kaya natawa ako. Sabay sabay talaga sila mga mare.


"Ang kalat-kalat niyo." sabi ko ng makitang nakakalat ang mga libro at chips nila sa table. Yung mga bag din nila andun sa mga couches.


"Si Ivy!"


"Si Eya!"


"Si Bella!" nang mapagtanto nilang pare-pareho pala sila ng sinabi ay sumigaw ulit sila.


"Si ate Jen!"


"Hoy, bakit ako?! Kakapal ng apdo niyo!" reklamo naman nung nasa kusina.


"Pag dating ko na sobrang makalat pa nitong sala ay papalayasin ko na kayo dito, ha. Ipapa-ban ko pangalan niyo sa baba para 'di na kayo makapasok."


"Ma'am, yes ma'am!" sumaludo pa kayo, ah.


"Ewan ko sainyo. Lalabas na 'ko, ha." sabay lakad ko papunta sa pinto.


"Bilhan mo kami ice cream, ha! Thanks!" napailing nalang ako ng marinig ko ang sigaw nila, bago ko isara ang pinto.


Agad akong nagpunta sa elevator at dumeritso sa parking lot. Daan muna ako ng mcdo tapos puntahan ko si Jaycel. I miss her, already. Halos palagi kaming magkadikit 'non ng mga nakaraang araw dahil sunod-sunod din ang araw ng pag-ulan na may kasamang kulog. Hindi parin ako makatulog ng maayos tuwing umuulan. Napapansin na din ni Jaycel 'yon.


"Two Oreo Mcflurry and two bff fries, please." nag drive-thru nalang ako para 'di hassle kakababa ng sasakyan.


Dumaan din ako ng Shakey's. Bumili ako ng apat na box ng pizza, para sa mga teammates niya. Mamaya nalang pag-uwi ko bilhan ng pagkain sila Eya.


Millions of KilometersWhere stories live. Discover now