05

392 24 1
                                    

Yumi



"Grabe! Her parties are looking expensive as ever!" sabi agad ni Er pagkadating namin sa venue. Pero totoo, grabe as in, sobrang ganda! It was elegant talaga!


Agad naman naming nakita sina Sof and Kiara na naglalakad papunta sa gawi namin. "Ay mabuti at hindi niyo kami nakalimutan." bungad ko.


Yung plano kasi namin kanina eh hihintayin nila kami sa parking pero pumasok agad sila.


"Hehe, sorry girls!" sabay ni Sof and Kiara.


"Che! Mga taksil 'to."


"Nag susungit ka nanaman, Yumi. Hahaha!" rinig kong sabi ni Ate Jen. Andito na pala siya sa gilid namin.


"Hi, Ate! Happy happy birthday!" tumakbo ako at niyakap siya, nilahad ko din yung gift ko sakanya.


"Hoy Yumi! Andun yung lalagyan ng gift oh!" turo ni Sof sa table na may mga nakalagay na gift. Natawa naman si Ate Jen.


"Ay! Sorry sorry, Ate!" babawiin ko na sana yung gift ko para ako nalang maglagay sa table. Iniwas naman yun ni Ate Jen.


"Nooo, it's okay girls. Akin na yung mga gift niyo, ako nalang mag lalagay dun." sabi niya. Inabot naman nilang tatlo yung gift nila tapos binati si Ate Jen.


"At least ako una kong binati siya bago ko ibigay yung gift. Bleehhh!" I stuck my tongue out.


"Sinusumpong ka nanaman ng kabaliwan mo Yumi. Hahaha!" asar ni Ate Jen kaya napabusangot ako.


"Iw! You look like a duck!" aba, sabay sabay pa talaga silang apat.


"Correctuon: Pretty duck!" sabi ko naman kaya natawa nalang kaming lahat.


"Kumusta kayo? kumusta lovelife?" tanong ni Ate Jen. "Wag ka na sumabat sa tanong kong pangalawa, Yumi, dahil wala ka namang jowa." dagdag niya.


"Ay grabehan!" tawang tawa naman sila at sila nga nag usap usap tungkol sa lablayp na yan.


"Oh! Naalala ko pupunta pala dito yung iba ko pang friends from Ateneo!" tili ni Ate Jen at hinila si Er, Sof, at Kiara.


"Hala hala hala! May favoritism! Pasaliiiiii!" pilit kong isinisiksik yung sarili ko sa little circle na binuo nila pero kumalas na sila.


"Damot!" napabusangot naman ako.


"Stop pouting like a kid, Yumi, may ipapakilala ako sayo mamaya... for sure magugustuhan mo 'to!" sabi ni Ate Jen, timili naman silang lahat at umagree din.


"Yas girl!" "Trueeee!" sabay sabay nilang pag aagree kay Ate Jen.


"Btw, andun yung table niyo. You go there na girls para hindi na kayo mashado makipagsiksikan mamaya sa daan." sabi ni Ate Jen at tinuro yung round table. Andun na sina Belle, Eya, at si Ivy.


'Ang aga nila ah' I said to myself


Naglakad naman kami papunta sakanila at agad nila kaming sinalubong, beso beso, yessir. I'm really thankful kasi kilala nila yung isa't-isa, maybe because they are in the same field nadin kasi sa volleyball? Yeah.


"Ang aga niyo talaga basta party mga bruha!" sabi ko sakanila at niyakap sila isa-isa.


"Ay kami pa ba!" sabi naman ni Belle.


"Hinila hila ba naman ako nitong dalawa at kinaladkad papasok sa cr tapos sinigaw sigawan ako mula sa labas ng cr na bilisan ko daw... sino ba hindi mag mamadali dun?" iritadong sagot naman ni Ivy. Natawa naman kami.


Millions of KilometersWhere stories live. Discover now