03

389 18 0
                                    

Yumi




"Girls! galaw galaw na, mag 6pm na oh... nakakahiya kung malate tayo." sabi agad ni Kiara pag pasok niya ng kwarto niya.


Andito kasi kami ngayon sa kwarto niya nag momovie marathon kasi tanghali kami dumating kanina dito tapos 7pm pa pala yung event.


"Ay, nga pala, nasabi kanina nila Jaycel na invited din sila nila Vanie." sabi naman ni Er. Er talaga tawag namin sakaniya para short for Erika, haba e.


"Jaycel?" familiar yung name.


"Kilala mo din siya Yumi?" sabay sabay na tanong nilang tatlo. Oh. I blurted it out loud pala, hehe. Kakahiya!


"Ah, hindi, hehe. Familiar lang. Kapangalan siya nung tumulong sakin mag decide kung anong ireregalo ko kay Ate Jen." sagot ko naman sakanilang tatlo. "Patingin nga ng mga isusuot niyo."


Iniba ko agad topic. Knowing them, alam kong mag hahalungkat pa yan sila hanggang sa masatisfy talaga sila at malaman kung ano talaga nangyari.


Nilabas naman nila mga suot nila. "Ikaw, patingin nga ng susuotin mo."


"Sige, wait i'll get it." kinuha ko naman ang bag ko at nilabas ang black crisscross halter top at black sailor pants. Nilabas ko din ang Nike Jordan AF1 High White Shadow for my footwear.


"Ito nalang susuotin ko para incase na formal pala yun." dagdag ko.


"Diba sabi ko sayo hindi nga formal." sabi naman ni Sof.


"'To naman oo nga, just in case lang nga diba. Hehe." tugon ko dito. Pero sa totoo, nakalimutan ko talaga.


"Tara na bihis na bihis." sabi ni Er, nagpapalakpak palakpak pa siya ha.


Nauna namang pumasok si Er sa banyo at sumunod si Sof, tapos si Kiara and last ako. Kanya kayang make up naman sila sa sarili nila. Well, except kay Sof na di mashado marunong mag apply make up.


"Dalina nga Kiara! You do my make up na!" maktol naman ni Sof.


"Oo na nga! Teka lang, di pa 'ko tapos oh." sagot naman ni Kiara na mag aapply ng lipstick.


I did simple make up lang. Kaunting foundation, kilay, blush on, dark brown eye shadow, liptint na pinatungan ko ng glossy. Small wing, and done! Yun lang.


Ako nga pinaka naunang natapos e, kahit na ako pinaka huling nag bihis. I just also let my hair down and turn the strands of my hair into soft curls.


"Kabog naman talaga outfitan ni Furukawa, oh!" sabi ni Kiara kaya sumangayon naman yung dalawa.


"Sa true! Siya palagi kabog saating apat eh!" sabi ni Sof.


"Oo nga! Ibang level outfitan nito eh. Kahit simple lang mga damit pero grabe kung mag dala!" sabi naman ni Er. Nailing nalang ako sa mga pinagsasabi nilang tatlo.


"Kayo nga din naman oh, ang seseksi!" sabi ko sakanila.


Ako lang kasi nala pants saamin. Si kiara at Sof naka short skirt tapos si Er naka short fit dress. Halatang mga athleta talaga 'tong tatlong 'to eh.


Yung built ng katawan nila halatang palaging nageexcercise.


"Kami lang 'to" sabay sabay nilang sabi kaya natawa kaming lahat.


"Convoy nalang tayo ha, sa car ko na ikaw sumakay Yumi." sabi ni Er pagkalabas namin ng bahay nila Kiara. Nakapagpaalam nadin kami kala tita at tito, kaya dumiretso na kami sa garahe nila.


Millions of KilometersWhere stories live. Discover now