09

363 18 1
                                    

Yumi



It's already 5 days after that night and I don't have the guts to show my face to Jaycel. Nahihiya ako. Nakakahiya ang inasta ko. Para akong batang iyak ng iyak.


"It was not your fault, Yumi. It's no ones fault but that man who-" galit na, na sabi ni Belle.


"Hey, Belle! Stop it! It's not going to help if we remind her about what happened before." mahinahong sabi ni ate Jen.


It has been 3 years but the trauma when it's raining is still here... hunting me.


"Asan ka din ba kasi Ivy nun? Diba sabi namin sayo bantayan mo si Yumi? 'Bat wala ka dun?" tanong ni Eya.


"Andun naman si Jaycel diba? Tsaka hindi ko naman alam na uulan 'nun. Kung alam ko edi sana hindi ako umalis." sabi naman ni Ivy.


"'Wag niyo na pagalitan si Ibyang... wala naman siyang kasalanan eh, tsaka andun din naman si Jaycel. Hindi niya naman ako pinabayaan." malumanay na sabi ko.


"Buti nalang talaga at nandun si Jaycel! Mababaliw na sana kami dahil biglang umulan at hindi ka pa makontak. Buti nalang sinagot ni Jaycel yung tawag after 29473 times! Kaloka!" sabi ni ate Jen kaya natawa kami.


I'm really thankful to Jaycel. Pero wala akong mukha na ipapakita sakanya. Sobrang nakakahiya.


"At ikaw, Yumi, 'bat mo ba iniiwasan manok namin? tanong ng tanong saamin kung asan ka daw oh. Mauubusan na kami ng rason." baling saakin ni Belle.


"Kawawang manok ko, ghinost pa nitong si Yumi. Hayyy." kunwaring buntong hininga ni Ivy.


"Kung ayaw mo kay Jaycel, akin nalang!" sabi ni Eya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Natawa naman silang tatlo.


"Luh, maka sama ng tingin.. ano ba kayo? ah FRIENDS. Hahaha!" asar ni ate Jen. Kawawa ako wala akong kakampi!


I'm really thankful to this three. Hindi ko kakayanin kung wala sila sa tabi ko ng mga panahong iyon. They stood as my parent dahil wala naman dito ng parents ko dahil andun sa Japan.


They were the ones who helped me to not be afraid of strangers. They were there when I was at my lowest. Hinang hina ako at takot na takot pero tinulungan nila akong makabangong muli. They even suggested me to see a psychiatrist to help me overcome my phobia in the rain, pero it was me who said that it's okay na, that i'm fine already.


But I am not.


Hindi naman talaga ako takot sa ulan eh. Actually rain is one of my favorite scenery.. I used to watch rain drops while sipping a cup of coffee, not until that traumatic incident happened.


Madami ang nag bago saakin mula noong nangyari iyon. Naging mailap ako sa mga tao, specifically on boys. Takot ako sa bawat nakakasalubong kong mga tao... baka may gawin sila saakin, baka may mangyari ulit saakin. Ganyang ganyan ang mga naiisip ko palagi.


Pero unti unti ko iyon nalalabanan. Nagiging open ulit ako sa mga bagong kaibigan. Pero hindi ko pa kaya sa mga big crowds. Kaya nga nung party ni ate Jen lumabas agad ako dahil hindi ko kinaya ang dami ng tao. Natakot ako.


Kaya nga nakapagtataka na hindi ako natatakot kay Jaycel. Let's just say na babae siya. Pero hindi eh. Kahit nga minsan natatakot ako sa mga babae, pero hindi talaga sakanya.


Sakanya lang.


"Samahan ka muna namin dito, Yumi, ha." sabi ni Eya at lumakad patungo sa kusina. Kakauwi lang namin galing sa UST.


Millions of KilometersWhere stories live. Discover now