01

611 22 0
                                    

Yumi



I am now currently at the mall finding the pen I needed to finally finish my plates. I need to finish it this day kasi may lakad ako bukas. It will be Ate Jen's 23rd birthday tomorrow, and we are invited.


Palabas na sana ako ng mall nang maalala ko na di pa pala ako nakabili ng gift, "Ang tanga, Yumi!" I scolded myself. Sayang oras! Dali dali naman akong nagtungo sa isang clothing store.


"Gosh, I don't know what to pick!" I frustratingly said, pabalik balik ang tingin ko sa dalawa kong hawak na damit. "This one or ito?"


May plates pa akong tatapusin pero nauubos oras ko dito sa pag pili ng damit. This red knee length fit silk dress or this silver one?


"The red one." I was startled when someone talk beside me.


"W-what?" binaling ko naman ang tingin ko sa katabi ko.


"I said you should buy the red one. Is that for you or?" tanong niya habang nakatingin padin sa hawak kong damit.


"Gift for a friend." maikli kong tugon sakaniya at binalik ang tingin sa hawak ko. "Red one, you think?" I asked her. I need to buy na talaga para walang nasasayang na oras.


Pano ba naman kasi kahapon pa chill chill lang ako! Yan tuloy rush ako ngayon, hays napaka mo talaga, Yumi!


"Oh, I thought it's for you. The red one definitely suits you... but it's for your friend pala so... yung silver nalang." she answered.


Is she flirting with me?


"Assuming ka talaga Yumi!" sabay tapik ko sa noo ko.


"Hey, bat mo sinasaktan sarili mo?" kunot noong tanong nitong katabi ko.


"Ah, ha? Wala." tugon ko naman. Nakakahiya!


"Hahaha! You're so cute. By the way, Jaycel. Jaycel Delos Reyes." sabi niya at nilahad ang kanyang kamay.


"Yumi. Ayumi Furukawa." sabi ko naman at tinanggap ang kamay niya. "Salamat pala dito ha, I'll buy the silver one!" sabi ko.


"No worries, Yumi." sabi niya kaya nag paalam na ako sakanya.


"Ang gandang-gwapo niya!! Gosh, crush ko na yun!!" tili ko ng maalala ko ang tumulong saakin doon sa mall.


Kakatapos ko lang gawin ang plates ko, thankfully madali lang activity namin this time. Sadyang nagpunta lang ako ng mall kasi naubusan ako ng pen.


"Anong pangalan niya ulit? Jayel Delos Reyes? Jasel? Ja- Ang tanga mo, Yumiiiiii!" sabay pitik ko ng noo ko.


Pano ba naman kasi andun na eh, sinabi na, pero dahil dakilang makakalimutin ako di tuloy alam kung ano ang isesearch ko sa IG!


Di ko din pala sure kung may IG yun... pero mukhang meron naman kasi englishera. Saan kaya nag-aaral yun. Di ko pa siya nakita or napansin sa UST eh.


"Ang dami namang Delos Reyes 'to!" nisearch ko kasi yung apelyido niya pero ang dami dami namang lumabas kaya pinatay ko nalang ang phone ko.


Tumayo ako at niligpit ang kalat ko sa pag gawa ko ng plate ko. Itatapon ko na sana ang mga plastic ng pinagkainan ko kanina ng biglang nag ring yung phone ko. It was Sofia.


[ Yumiiiiiii! ] bungad niya pagkasagot ko ng tawag niya.


"Grabe makasigaw ha Sof ha. Ano yun?" sagot ko. Grabe naman kasi, anlakas ng boses nakakabingi!


Millions of KilometersWhere stories live. Discover now