07

422 21 0
                                    

Yumi



"Yumi hindi ka ba sasama saamin mag party? Sure na yan?" it was already 2 weeks since ate Jennifer's birthday party and also 2 weeks since me and Jayce started talking.


Naiirita na 'ko! "Hindi nga ako sasama Belle! May tatapusin pa akong plates oh." sabay turo ko sa dino-drawing kong project. Kasi naman, plates palang kaharap ko nung nakaraan tapos plates nanaman ulit, kakagigil na. "Buti ka pa tapos kana."


"Ito naman galit agad, siguro kulang ka sa lambing no? Matext nga si Jaycel ng malambing ka." pang aasar niya sabay kuha ng phone niya.


"Hoy waaaaag! Busy din yun.. tsaka saan mo ba nalaman yan ha?" hinablot ko phone niya at pinatay.


"Well, alam na naming apat nina Eya." sabi niya. Grabe talaga may pakpak talaga mga chismis eh kaya abot na kung sino sino na nakakaalam. "Don't worry kami lang nakakaalam." kumindat pa ang baccla.


"Che!" inirapan ko siya at pinagpatuloy gumawa ng plates. Tumawa naman itong si Belle ng malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Lumayas ka na nga dito! Ginu-gulo mo 'ko eh!" pagtataboy ko.


"Luh, damotinism sa chika!" ugh! "Joke! joke! hehe.. by the way, on the way na si Ivy para naman may kasama ka dito sa malaking condo mo!" tumango lang ako.


Pagkadating mismo ni Ivy ay agad na nagpaalam si Belle na lalabas na at nandyan na daw sina Eya sa baba.


"Say my regards for Eya and ate Jen, ha." pabahol ko dahil palabas na siya.


"I will!" sigaw niya pabalik. Kaunti nalang tapos na 'tong plates ko kaya makakapag chill na ako! Kanina pa kasi ako dito'ng 12pm tapos anong oras na ngayon oh, 9pm? tapos hindi pa ako nakain.


"Rinig na rinig ko yung kalam ng tyan mo dito, Yumi." sabi ni Ivy. Pano ba naman kasi gutom na talaga ako!


"Hehe, 'di pa 'ko kumakain eh." kamot batok 'kong sabi. Tapusin ko muna 'to.


"Bilisan mo na dyan at ng makakain ka na, lagot ka kay Jaycel, isusumbong kita!"


Ha? "Anong Jaycel pinagsasabi mo dyan?" andami na nilang alam ah, mga bubwit talaga 'to.


"Yieeee Jayumi na this!" tili nya.


Ano- "Jayumi? Ano yan?" kanina pa nakakunot noo ko ha! nakakaloka na 'tong mga kaibigan ko.


"Jaycel + Yumi = Jayumi. Aaaaaaa!" anlakas ng tili ni Ivy! Daig pa yung mga nasa concert!


"Ewan ko sainyo, gawa gawa nanaman kayo ha." inikutan ko siya ng mata tapos humagalpak naman siya ng tawa. "Baliw!"


"Yieeee!"


"Ah ayaw mong tumigil? Di ka sana sagutin ng nililigawan mo." binelatan ko siya.


"Ang sama! Titigil na nga eh." sagot agad niya.


"Whipped! Hahaha." nakakatawa itsura niya, di maipinta. Hahaha! Sakto namang nag ring phone ko.


[Incoming call from Jaycel Delos Reyes] aba video call pa ah. Inayos ko naman buhok ko bago sagutin ang tawag.


[Yumssssssss!] bungad niya.


Napangiti naman ako, "Oh bakit? Anong atin?"


"Luh, ngingiti ngiti, sino kaya satin yung whipped?" singit naman ni Ivy na nakahiga na sa kabilang sofa. Pinandilatan ko naman siya kaya pigil tawa nalang ang nagawa niya.


Millions of KilometersWhere stories live. Discover now