LoreKi AU: "Protecting HER" (ISR 5)

744 19 1
                                    

☞Lorelei X Loki ¦¦ In-a-Secret-Relationship Series (Scenario 5)
✎Genre: Fluff/Cringe, OOC
✎TagLish || 4300+ words || Full Version
➜Nevaeh’s Note: This is what you've been waiting for choz wahahaha. Btw I changed the title of this AU, it was different from the title I posted in twitter. Kindly read ISR4 first before reading this :)

゚。・*.゚☆゚.*・。゚

(This is Loki's point of view but in a 3rd Person narration)

"Kingsley, let's go na" tawag ni Lindsay sa binata habang naiinip na naghihintay malapit sa doorway ng unit.

Pasimpleng dumaan sa tabi ni Lori si Loki, "See you later" bulong nito. Lorelei nodded and smiled at him, "Take care"

Lumapit si Loki kay Lindsay at nilagpasan ito para maunang lumabas, humawak agad ang babae sa braso nito, lumingon sa pwesto ni Lori saka kumaway, "Bye~" paalam nito na may kasamang pag-irap.

Naglakad na ang dalawa paalis sa apartment, tuwang-tuwa si Lindsay dahil masosolo na ang binata samantalang ang isa ay gustong-gusto nang alisin ang kamay ng kasama na nakaangkla sa braso niya.

'Lori is the only one who has the right to touch me' he said in the back of his mind.

Excited pa naman siya sa date nila ni Lori, kakauwi lang nito noong nakaraang Linggo galing sa Cebu, tapos ay nagkaroon pa ng celebration ang magulang niya kahapon kaya dapat ay ngayon ang opisyal na date nila kaso nga lang ay may um-epal na naman.

Nagulat si Loki nang makita ang dalawang lalaking nakaitim, maskulado at malalaki ang katawan na naghihintay sa tapat ng isang black sedan. Hindi niya inaasahan na may kasama palang bodyguard ang babae, mukhang mahihirapan siyang tumakas dito kung may dalawa pang magbabantay sa kaniya.

"Boys, dalhin niyo kami ni Loki sa Mall. We will have a date." utos ni Lindsay sa mga ito. Agad na pinagbuksan ng isang bodyguard ang dalawa para makapasok sa backseat ng sasakyan.

Pagkaupo ni Loki ay nag-isip na agad siya ng strategy kung paano niya pwedeng takasan ang kasama. Inilabas niya ang cellphone pero agad na kinuha iyon ni Lindsay, "Nah uh, using cellphone isn't allowed when you're with me, okay?" bago pa mabawi ni Loki ay agad na itong inabot ng babae sa bodyguard na nakaupo sa shotgun seat.

Loki clicked his tongue and averted his gaze at the view outside. He want to at least talk to Lori on the phone but was stopped by Lindsay. Halos mabaliw na siya sa pagka-missed kay Lori noong mga nakaraang linggo dahil malayo ito sa kaniya. At ngayon namang pwede na niya ulit itong makasama ay may mga balakid pa rin.

Why is he acting this way? Well, he just love Lorelei, no more explanation.

But yeah, he never knew that he'll fall in love with Lori, he thought he's just a roommate and a friend but now he's head over heels on her. Of course, it is his first time falling in love. He's not interested in romantic relationship, yet he got interested in Lori. Then, one day he just found himself confessing his feelings to her. And was the happiest when he found out that Lori also has the mutual feelings for him.

He promised Lori that he'll try to make things work out for the two of them. Nag-search pa siya ng love tips mula sa internet, at pinipili ang mga bagay na sa tingin niya ay magugustuhan ng kasintahan. Gustong-gusto niya kapag masaya si Lori, nakakahawa kasi ang mga ngiti at tawa nito. At kung tungkol naman sa hindi gusto ay kapag nagagalit si Lori. Ayaw na ayaw niyang nagagalit o nalulungkot ito, that's why he's doing his best to become a better partner for her. A boyfriend that Lori can be proud of. Hindi man alam ni Loki ang eksaktong dahilan kung bakit ayaw pang ipagsabi ni Lori ang tungkol sa kanila, nirespeto pa rin niya ang desisyon nito. Mas mabuti nga rin na sila muna ang makaalam dahil mas gusto niya ng privacy.

Project LOKI AUs (Compiled)Where stories live. Discover now