LoreStein AU: "How Far Can You Do For Love?"

585 17 3
                                    

☞Lorelei X Stein AU ¦¦ Requested by an anonymous sender
✎Genre: Mystery, Dark, OOC, Thriller
✎TagLish || 5400+ words || Full version
✎TW: De@th, Suicide, Murder
➜Nevaeh’s Note: Sabi ko sa inyo babalik ako agad eh wahahahaha may tinapos lang talaga ako. Btw first time ko magsulat ng ganitong genre and I have no idea na mapapahaba pala. And don't be mad at me about this AU, this is literally a request and I'm just granting it.

゚。・*.゚☆゚.*・。゚

Lorelei

Habang naglalakad kami ni Rosetta papunta sa cafeteria ay napansin namin ang ilang mga estudyane na nagkukumpulan sa labas ng building. Marahil ay nakikiosyoso sila sa mga pulis na dumaan dala ang stretcher na may nakahigang katawan na natatakpan ng puting tela.

"Ano kayang nangyari doon?" usisa ko, hindi ko maiwasang mag-alala kapag may nababalitaang mga trahedya o aksidente. Bago palang akong lipat dito sa Clark High pero iba't-ibang pangyayari na ang naganap. Isali pa ang stalker ko na nahuli namin— or should I say caught on cam by Loki since he used me as a bait to caught my stalker— akala ko ay tatahimik na ang buhay ko kapag lumipat ako pero parang wala din namang pinagbago.

"Natagpuan daw sa abandoned building yung katawan no’ng biktima, may hiwa daw sa pulso at sa leeg" kwento ni Rosetta. Nanindig ang balahibo ko at nandiri dahil sa ikinwento niya. Maisip ko palang na makakita ng ganoon ay natatakot na agad ako.

"Sino namang gagawa ng gano'ng karumal-dumal na bagay?" nagtuloy-tuloy na kami sa paglalakad ni Rosetta.

"Sabi ay may nakita daw na suicide note malapit sa bangkay at wala rin naman daw ebidensiya na makakapagturo kung murder ba talaga ang nangyari kaya sarado na agad ang kaso" paliwanag ulit niya.

Napakunot ang noo ko, "Paano mo naman nalaman ang mga yan? Galing ka ba doon?"

"Ano ka ba? I have a lot of friends here, kaya nalalaman ko ang mga tsismis o chika na kumakalat dito sa campus"

Napatango na lang ako sa sinabi niya, hindi na rin ako nagulat dahil halos lahat talaga ay kilala niya o kilala siya. Hindi na nakakapagtaka na siya ang unang nag-approach sa ’kin dito sa campus, masiyado siyang friendly. Kahit noong kailangan namin ng tulong para sa Math assignment namin ay nakahanap agad siya ng magtuturo sa amin.

Nang makarating kami sa cafeteria ay simpleng sandwich lang  ang in-order ko, nawalan kasi ako ng gana kumain dahil sa napag-usapan namin kanina. After eating, we went back to our class.

***

I fixed my things after the bell rang but I stopped when our homeroom teacher called our attention.

"Class, I have something to announce" panimula ng adviser namin, sa tono at emosyon ng mukha niya ay mahahalatang hindi maganda ang sasabihin niya sa amin.

"Nakakalungkot mang sabihin pero ang kaklase niyong si Aaron Lopez ay pumanaw na" murmured and noises filled our room after hearing the news.

And same to them I was also caught off guard, Aaron was my stalker, I hate him for what he did to me but I won't say that I'm happy for someone's death.

"Sabi na nga ba" napalingon ako kay Rosetta nang marinig ko siyang magsalita, "What do you mean?" I asked.

She leaned next to me, "Usap-usapan na kay Aaron nga yung bangkay na natagpuan sa abandoned Building" she whispered to me.

"Hindi ba, siya yung nahuling stalker mo? Hindi kaya nagpakamatay siya dahil hindi matanggap na suspended na siya?" dagdag niya.

Hindi ako sumagot at nanatili lang na tahimik. Hanggang sa makauwi ako sa apartment ay tulala pa rin ako dahil sa nalaman.

Project LOKI AUs (Compiled)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon