KABANATA 52 - Stop Chasing Me

197 14 26
                                    

Inangat ni Maven ang phone niya at kumunot ang noo.

"Oh, I have a date with Allister. I have to go." Ngumiti siya sa kapatid niya bago kami tinalikuran. Lumaki ang mga mata ko.

"Wait! Allister?" bigla kong tanong.

"I said, Lester." umirap siya sa akin.

"Maven Bradford!" he sounded as if he's warning.

"Bye, brother." anunsyo ni Maven bago nawala sa paningin namin. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao.

"How come you didn't know it, Dave? I bet you at least know when you fired an employee." sabi ko pero hindi siya sumagot dahil nag-iisip siya nang malalim.

"This must be easy, Allyse. Don't worry. Once I find out who's behind this, he should run for his life now." matigas niyang wika.

"But we just found out who did this - it was Maven."

"Yes but she definitely asked for help since she can't just fire you because I was the one who took you in. In the first place, she has no proportion in this company." tumayo siya kaya kahit ako ay napatayo na rin.

"Where are you going?"

"I'm going to talk to Mr. Davis regarding this problem." Kumunot ang noo ko at napaawang ang labi sa iniisip na kakausapin niya ang manager. I can't still believe that I just got fired!

"Allyse..." lumapit siya sa akin na may pag-aalala sa kanyang mukha. "I hope this doesn't change anything between us. I promise, I will find who did this." napangiti ako at tumango.

"But for now, I suggest you go home. I will inform you as soon as possible so you can get back here tomorrow." tinapik niya ng dalawang beses ang balikat ko. Sabay na kaming lumabas.

"Mr. Bradford?" tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"I'm getting payed on this day of my absence, okay?" ngumisi ako.

He sneered and cocked his head to the left. "As you wish, Miss Wilson."

"Okay. Thank you!" sabi ko sabay tawa.

We went separate ways as we stepped out of his office. Dumeretso ako sa baba. Hindi ko na inabalang tignan pa ang mga nandoon.

Pag-uwi ko ay wala na sila mommy at daddy. Wala rin naman sila Xavier at Allicia dahil namasyal silang magkuya.

Isinalampak ko ang sarili ko sa kama. Masyado nang pinepersonal ni Maven ang problema nila ni Xavier. Alam na kaya ni Xavier ito? Sana hindi na para hindi naman siya maguluhan ulit. I think he's doing better now. Kahit hindi ko alam ang tungkol sa kanila ni Clementine, I can see that he's getting elated every day.

I miss Seattle and I'm up for a little activity on this blessing-in-disguise day. Nagpalit ako sa aking jeans at hoodies. Inilagay ko sa aking backpack ang skating shoes. Alam ko pa kayang mag-skate?

Akala ko kanina si Allister ang ka-date ni Maven. Kinabahan pa ako! Hindi ko pa tinitignan ang mga notifications sa phone ko. Napatingin ako sa aking bag na kung saan nandoon ang phone ko. Kinuha ko iyon at tinignan ulit ang mga notifications. May message nanaman pala mula sa kanya. I tapped on his chat head.

Nanlaki ang mga mata ko dahil ang daming voice messages. Kinabahan ako habang naglalaban ang isip ko kung ano ang posibleng nilalaman ng mga voice messages niya.. Halos lahat ay umabot sa 30 seconds. Ang dami ding mga messages talaga.

I tapped on the first message. A voice message.

Allyse... Babe... My heart suddenly melt upon hearing his trembling voice. Napalunok ako. Hinihintay ko siyang magsalita habang tumatakbo ang oras pero hanggang twenty five seconds ay wala siyang ibang sinabi.

Always and Forever (Allyse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon